Kay Erni
“Hindi ko na mayakap pa ang aking sarili.
Sa bawat gabing magdaan ay nararamdaman kong
kawalan…”-Ms.Dewi,20,Pontianak,Indonesia
Pikit-mata na hinimod,ang pawis
ng pagnanasa at libog.
hinuhubdan ang kaloob-looban
ng iyong pagkatao.
winawasak nang unti-unti
ang natitirang dangal
na masasabing tanging sa iyo.
pinapalitan ng ibat-ibang
kulay ng papel,mukha ng tao.
dinadalaw sa panaginip
ng mga naglalaway na dila,
mga matutulis na kuko.
sa gabing ito…may halimaw na muling
papasukin ang kabuuan
maglalagos sa alon ng mga kumot
usok ng sigarilyo.pero hindi!
babasagin ang kairalang bumabalot,
umaalipin sa iyong pinagmulan.
wawakwakin ang lalamunan ng magdamag
hanggang sa maabot ang…Merdeka!
na minimithi mo.
Ed Nelson R. Labao
Pontianak,Indonesia
M/V Akra Sounion
Mayo 16,1998
*Unang nalathala sa ANI 28 (2002)-Sarisaring Kasarian:Pagmamahal,Cariño Brutal,atbp.(The Gender Issue),literary journal ng Cultural Center of the Phils.(CCP)
Marso 14, 2009 at 10:47 umaga
ano yung merdeka? hehe!! making love poem to ah!! ^^
Marso 15, 2009 at 3:54 umaga
ang Merdeka ay kasingkahulugan ng- Kalayaan