Kandirit ng Ibong Maya

Kumandirit ang abuhing ibon
sa uhay na pahinog na palayan
sa bakod na pagapok na kawayan
sa malutong na sanga ng kaymito
sa bubong na kalawanging payong.

Kumandirit ang kanyang himig.
Dinaig ng ibon
ang umatungal na tinig
sa “Pabasa ng Pasyon.”

Ed Romano Labao
1 Abril 2012

© 2012 Kwentulang Marino
*imahen mula kay rommeldelarapatricio2009