Punla

Nakahanda na ang mga punlang palay
para itanim bukas
itinumpok sa gitnang-bukid
sa mga pilapil ay inihabay sa gilid
maliban sa ilan para ipanghulip
kasabay ng malakas na buhos ng ulan
kasabay ang balitang sa mga mata’y humilam
ngiti ni Dolphy sa pitak ay namaalam.

Emanzky88
10 Hulyo 2012

© 2012 Kwentulang Marino
* imahen mula sa Facebook page na OFW World

Advertisements