KUNG BAKIT UMALMA ANG SIKMURA NG PANGULO

Hindi sa inamag na keso o panis na gatas
sa natunaw na butter na ipinalaman sa tinapay
sa tinapang salmon na inuuod ng sanlinggo
sa nabilasang isdang tuna
sa nalaong chocolate cookies
sa umanggong karne ng tupa at baka
sa ngumiwing asim ng prutas na Kiwi

iisa lang ang suspetsa
kung bakit nag-alburuto ang sikmura ng pangulo

ang sumalubong na protesta
ang sinikmuraang tiyan
sa walang-tantan katanungan
sa hindi masikmurang pagpaslang.

Emanzky88
25 Oktubre 2012

© 2012 Kwentulang Marino

Advertisements