Rumaragasa ang mga nagngangalit na rocket
sa Gaza.

Walang sinisino
hinarot ng kamatayan ang mga paslit
ginahasa ng karahasan ang mga kababaihan
inginudngod sa takot ang mga katandaan
tintangdugo ang isinuka ng mga peryodista
pinulbos ang mga pader sa moske’t tahanan.

Rumaragasa ang banta ni Netanyahu
ang IDF ay sabayang kumakahol
animo mga asong nauulol.

Papaslangin namin ang lahat
ng gumagalaw sa Gaza!

Rumaragasa ang galit
ng masa sa Gaza.

Nanaghoy kami ng katarungan
sa mga paslit na hinarot ng kamatayan
sa mga kababaihang ginahasa ng karahasan
sa mga katandaan inginudngod sa takot
sa mga peryodistang tintangdugo ang isinuka
sa mga moske’t tahanan pader ay pinulbos.

Babaunin namin hanggang sa kamatayan
ang naglalagablab na ngitngit
hibik ay alingawngaw na itinitik
sa isip ay sadyang iniukit

Zionista!
ang hangal na manlalapa sa kasaysayan!

Emanzky88
18 Nobyembre 2012

© 2012 Kwentulang Marino
*imahen mula sa FB page