lolong guinessworldrecords
Aahin pa, tanyag na pagkilala
sa buong mundo’y PINAKAMALAKING BUWAYA

Kamatayan ko’y huwag ng uriratin
lamang-loob ay huwag ng kalkalin

Pagpanaw ay hindi isang lihim
pagpanaw na hinagpis ang kimkim

Ay!

Hiling sa katawan ay huwag pasakan ng bulak
dayong bagay ay isaksak
Sa museo, huwag itanghal at gawing usyoso
iwangis ang mukha sa mga nasa tungkong-bato
maging sa iba pang naglulunoy sa luklukan ng lakas

Lagi-laging sasambitin
(na siyang halintulad)

Ay!

Pagluha’y walang katotohanan
Ang hayop na walang kabusugan!

Emanzky88
13 Pebrero 2013

© 2013 Kwentulang Marino
imahen mula sa http://www.guinessworldrecords.com

Advertisements