Nawindang ang
Itim na Nazareno

Dinaklot ng
Puta
ang harapang bahagi.
Walang naghumindig na burat.

Dinaklot ng
Mandurukot
ang tagilirang bahagi.
Walang tumunog na celfon.

Dinaklot ng
Adik
ang kabilang bahagi.
Walang umusok na bato.

Dinaklot ng
Batang-lansangan
ang likurang bahagi.
Walang nasinghot na pandikit.

Dinaklot ng
Manyak
ang puwitang bahagi.
Walang umiyak na manyika.

Hinimod ng
Aborsiyonista
ang duguang kanang kamay.
Walang nalasahang pait.

Hinimod ng
Tisiko
ang duguang kaliwang kamay.
Walang nalasahang reseta.

Hinimod ng
Bilanggo
ang duguang kanang kamay.
Walang nalasahang paglaya.

Hinimod ng
Magbubukid
ang duguang kaliwang paa.
Walang nalasahang titulo.

Hinimod ng
Manggagawa
ang duguang kanang paa.
Walang nalasahang panibagong kontrata.

Tinitigan ng mga
taga Iligan
ang maamong kaliwang mata.
Putik ang iniluha.

Tinitigan ng mga
taga Compostela Valley
ang maamong kanang mata.
Pumusyaw ang kumislap na ginto.

Nahibang ang tatlong milyon
Deboto.
Hindi sinagilahan ng takot sa bantang
Terorismo.

Alin na lang
lagariin ang Krusipiho
gupitin ang kulot na buhok
tagpasin ang pekeng ulo
roba ay gawing panyolito.

Kesehodang tawagin
mga buwang
na Panatiko.

Emanzky88
10 Enero 2012

© 2012 Kwentulang Marino
*imahe mula sa Abante Tonite

Advertisements