Algiers Algeria 1998KWENTULANG MARINO ay hindi lamang umiinog sa pusod ng dagat. Gaya ng buhay, may kwento’t berso din sa pampang nito.

Karamihan sa mga kwento o sanaysay ay nasa pormang “dyornal entri” na ilang taon ‘kong sinulat sa’king “red dyornal”-mapa-eroplano, eyrport, kabina, parke, sa mga restobar habang umiinom ng serbesa, soju o vodka.

Hindi man nailagay sa dyornal ang ibang kwento, sa rekoleksyon- naging daluyan ang mga naipon sa ibat-ibang bansa na ultimo nota, dyaryo, resibo, tarheta, celfon card, cassette tape. cd, dvd, litrato, tiket, postcard, libro, sulat, coins, mumunting koleksyon at mga “buhay na kwento.” Ang mga ito’y s’yang gumaod at nagpatingkad sa laot ng aking karanasan.

Ilan sa mga entri at tula ay sinadya kong itago ang tunay nilang pangalan. Iba naman ay nanatili.Sa kanila….isang malaking pasasalamat….isang paghingi ng dispensa.

Kulang man sa kinis, sukat, balangkas, sablay man sa “grammar” at mga kautusan sa literatura. Binigyang puwang ng PAROLA- “seamans journal” na nakabase sa Netherlands at ANI- “literary journal” ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na malathala ang ilan sa aking mga piling tula at kwento- Literatura ng mga Bagong Bayani (1996), Sarisaring Kasarian: Pagmamahal, CarinoBrutal atbp. (2002), The Pinoy as Asian (2009) Karangalan din na maging bahagi ng “Kuhang Marino: Images of Filipino Seafarers,” isang eksibisyon sa University of the Phillipines, Jorge B.Vargas Museum (2006) kuha ni Johannes Ode, isang batikang Olandes sa larangan ng potograpiya, kinomisyon ng Philippine Seaman’s Assistance Program (PSAP). Higit na “pinataba ang puso” nang bigkasin sa Conspiracy Bar nila Bobby Añonuevo at Fidel Rillo ang mga tulang “Salungat sa Agos,” “Patuloy sa Pag-asam.” Kabilang ang kanyang tula sa KM 64 Poetry Online- TULAGALAG: HACIENDA/100 (2010) at antolohiya ng mga tula IPUIPO SA PIGING (2010), Fellow ng Palihang nasa Linya (2012)

Solomon Is.

Sa usapang marino, “gintong alaala” na lang tawagin ito, sa panahong wala pa ang pamosong kataga na “September 11 Terror Attack” at istriktong paghihigpit panseguridad na malaking nagpabago sa mukha ng maritima at global na kaayusan.

Ganang akin, pwedeng ikonsidera itong “social documentary” na nais ilako nang isang hampaslupang marino.

Sakay na!

Sagwanin natin ang KWENTULANG MARINO!

*Unang nai-post sa kategoryang Kwentong Byahe nitong Disyembre 5,2008

(C)2008 Kwentulang Marino at Ed Romano Labao

7 Tugon to “Daloy ng Agos”

  1. cris Says:

    Nakakaiyak at nakakabatang balikan ang mga nakaraan ito ang humubog sa mga lagalag na katawan.Ipagpatuloy isulat ang sa buhay moy dumaan pagkat kahit munti itoy ambag din sa pagbabagong panlipunan. Mabuhay at magpunyagi

    1. emanzky88 Says:

      maraming salamat po!

  2. plumaatpapel Says:

    mabuhay ka bilang isang matapat na makata ng karanasan, paniniwala at paninindigan.

    1. emanzky88 Says:

      Sa mga tulad ninyong pinanday ng panahon ako humuhugot nang inspirasyon para patuloy na magsulat.

  3. Cheap Asics Says:

    May I simply say nice to read a relief to search out somebody who really realizes exactly what they’re talking about on the web. You definitely can bring a major issue to light and allow it to essential. Even more people need to learn this and understand it aspect of the story. I can’t believe you’re not very popular because you essentially have the gift.

  4. J. Kulisap Says:

    Sabi ng mga matatanda at nalilipasan na ng init at kasiglahan dahil sila ay nanggaling na doon. Kung saan man ‘yong doon, palagay ko ikaw ay nakapagsimula na.

    Nagsimula nang mangolekta ng alaala upang ipamahagi sa iba na naghahanap din.

    Aking nararamdaman na magbabalik ako sa pook na ito upang simsimin ang mga tula na minsa’y o kadalasa’y natalsikan ng tubig-alat habang naglalakbay ang iyong diwa.

    Nais kong malaman kung ang tubig alat ay matamis din kapag nasa bulwagan na ng panulaan.
    🙂


    1. J.Kulisap salamat sa pagbisita at pagkomento sa Kwentulang Marino. Anuman paniniwala ay dapat igalang subalit ikaw pa rin ang magpapasya segun sa iyong patuloy na pagtuklas ng buhay. Sa iba mo pang katanungan eto ang isang website na maaring makatulong pa sa iyong mga tanong ukol sa panulaan http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/. Hindi daw kailangan itago ang mga alaala. Ibahagi ito sa kapwa🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s