Abril 2009


6535

Iwasan mong makipag-sabayan,dahil ubus-ubos ka d’yan. Hindi bale sana kung ‘yong pinagka-gastusan mo’y makikita’t maiuuwi mo rito sa atin at least nakita mong pinagpaguran mo. Mahirap ang maiuwi mo rito’y kwento na lang…

August 15,1992
Pilipinas

Eman,

Pagbati!!!

Bok, kamusta ka na! I hope medyo nakapag-adjust ka na. Sana’y lagi ang pag-iingat d’yan lalo’t kapag medyo delikado ang pinagagawa sa iyo. Safety first muna,dahil iba ang trabaho natin d’yan,laluna’t kapag maalon. Sa mga kasamahan mo naman d’yan, unti-unti mong makikilala ang attitude ng mga iyan, laluna’t kapag problemado. Kaya ‘yung dating gawi, yung natutuhan natin kung paano tayo makisalamuha sa kanila, pero h’wag naman sobra, alalay ka lang sa kanila.

Hinggil naman sa mga amo mong goyo (Greek) ang attitude n’yan pag bagito ka. Medyo pasisiklaban ka ng mga ‘yan, konting pautos na pasigaw. Pero wag mong intindihin ang mga ‘yan, ganyan lang ang mga ‘yan, dahil takot din ang mga ‘yan sa atin. Pakita ka lang nang kabaiitan sa mga iyan pero may limitasyon. Dahil kapag nakita kang bow ka lang ng bow, aabusuhin ka ng mga ‘yan. Sa una’y cool ka lang kung may sama ka ng loob. Pero kapag matagal ka na d’yan,pwede mo ng sagutin ang mga ‘yan, basta’t nasa katwiran. Ang kainaman sa mga ‘yan, kapag nagalit sa atin, kinabukasan wala na, hindi nagtatanim ng sama ng loob. Basta’t wag mo lang kakalabanin ng husto, kundi magpa-plano ang mga ‘yan para pauwiin ka, and last, kapag nagtiwala sa iyo ang mga ‘yan, ‘wag mong sisirain dahil once na nasira ka sa kanila, wala nang tiwala sa iyo kahit ano pa ang gawin mo’t baka sirain pa ang record ng seaman book mo. At kung galit na sa iyo ang mga ‘yan, hindi titira ng harapan ang mga ‘yan, ang bira sa iyo n’yan, sa seaman book at pauuwiin ka nila. Basta pag nasalubong mo eh “greet” mo lang ng “yiassou” ok’s na ‘yan.

Hinggil naman sa labasan, medyo alalay ka lang sa inom at chicks. ‘Yong makaranas minsan ay sapat na, pero ewan ko kung makayanan mo, dahil ng narito ka hindi mo mapigil yun pa kayang nariyan ka sa mga tisay.

Iwasan mong makipag-sabayan, dahil ubus-ubos ka d’yan. Hindi bale sana
kung ‘yong pinagka-gastusan mo’y makikita’t maiuuwi mo rito sa atin at least nakita mong pinagpaguran mo. Mahirap ang maiuwi mo rito’y kwento na lang. Alam mo naman mahirap ang trabaho nating mga seaman. ‘Tol pasensya ka na kung ito ang inuna ko, ito’y payong kapatid lang naman.

Bok, malamang ay sumulat ka sa akin sa barko. Hindi ko na iyon matatanggap dahil ng July 31 ay nag sign-off na kami. Kasama kong Kapitan at Chief Engnr.namin. Sa September pa sana kami mauuwi kaso nu’n nasa Rusya kami (Odessa)* ang estimate namin ay mga isang buwan kaming angkorahe kaso isang linggo pa lang ay pinapasok na kami, so naaga ang alis namin sa Rusya, so nag-decide na rin kami na sumabay umuwi sa Chief Engnr. at Kapitan, dahil naghahabol din kami ng rekomendasyon para sa promosyon.

Halos ika-2 linggo ko na rito sa atin, medyo nakapaninibago, ‘yun konting kita ko, medyo nauubos na dahil malakas ang gastos at maraming bisita. Anyway, talagang ganyan, laluna’t sa unang uwi. Susunod makakaipon na tayo at medyo makapagplano ng maganda-ganda laluna’t kung papalarin tayo na mapwesto bilang electrician. Nakapag-report na ako sa upisina’t nagpasalubong para lumakas-lakas. Ang banggit nga sa akin ni Kapitan ipupwesto n’ya akong electrician pero sa malamang sa dating kumpaya pa rin. Dahil ang rekomendasyon ko’y galing doon, so maghihintay ako ng tawag. Sa malamang baka maalis ako sa last week of September or October. Dahil hihintayin ko ang baba ng electrician, para doon na lang ako makabalik at least kabisado ko na ‘yun.

Medyo kinakabahan nga ako, baka mabulilyaso, pero t’yak kaya ko na. Dahil medyo naghahanda na ako rito. Kung meron man kulang sa akin ngayon, iyon ay ang negative thinking hinggil sa panibagong posisyon sa trabaho. Pero kung magkakaroon lang ako ng inspirasyon, malamang wala ‘yan mga negative na ‘yan.

Tulad mo alam kong very inspired ka sa ngayon. Dahil nabalitaan ko bago ka umalis nag-date pa kayo ni Lily at tumawag ka pa bago ka sumakay, talagang pa-eklat mo bulok! Pagkatapos sa pag-uwi mo, sabi mo raw ay pakakasal ka na,malakas na yata ang loob mo tsong, noon wala ka naman niyan ah! Tol , ang siste pa, binalita sa akin ng inang, mga isang linggo na makalis ka na, umi-strike ang dalawa (si erpat at yun alalay nya) kasama rin n’ya si Marcial para pasama sa bahay. Nakausap ang inang at nagpapasama kina Lily. Ginawa ng inang dinala kina Cris, buti na lang at di muna agad sinamahan ni Cris dahil nahihiya so hindi natuloy. Ang sabi naman ni erpat gusto lang daw nya na makita ng personal si Lily. Talagang matindi ano?

Anyway, nakadalaw na ako kina Lily,talaga naman “abot-tainga” ang ngiti ni Lily ng biniro ko’t ikinuwento ko mga plano ni erpat.Tawa nga ng tawa si Lily, nagsabi na s’ya na lang dadalaw sa inyo. Bago uli ako makaalis, papasyal kami sa bahay, kaya paki-explika sa bahay na papasyal kami. Pero sa malamang dadalaw ako sa bahay baka sabihin ni erpat nakalimot na ako. Bok kung seryoso ka pakasal sa pag-uwi mo, i-timing mo ng December 1993 dahil kung masasakay ako, plano kong umuwi ng November 1993. Dahil gusto ko naman makita ang kasal mo’t pakapag-pasko rin dito. Kung okey sa iyo di gawin mo akong abay ok’s ba!

Kaypee

*Ang Odessa ay tuwiran bahagi ng Ukraine-Kwentulang Marino

(Ikaw Ba Ay Pilipino?)
0,,20407772,00

Nakita ko sa news ang mag-asawang pinoy na pina-deport mula sa Japan. Bakas sa mukha nila, Arlan Calderon, 36 at kanyang kabiyak na si Sarah, 38 ang matinding kalungkutan sa pagkahiwalay nila sa anak na si Noriko, 13 na ipinasyang bigyan pagkakataon ng gobyernong maiwan at makapanirahan sa Japan.

Malaking bilang ng mga turista sa Cairns, Australia ay mula sa Japan. Oktubre, 1993 nang madaong ang aming barkong M/V Maaslot-L. Namasyal kami ni Rolly, isang kasamahan seaman. May kasingkitan ang kanyang mga mata at ako naman ay may kaputian kaya’t napagkamalan kaming Hapon nung saleslady sa isang shopping mall.

Nung sumunod na araw, isang pinay na madre na bolunteer ng Stella Maris
ang nag-anyaya sa aming mamamasyal at magsimba. Sr.Carmelita ang kanyang pangalan tubong Laguna. Pagmamalaking kwento namin, kami’y napagkamalan mga Hapon. Sumagot s’yang mukhang proud pa kami, partikular na ako ang kanyang tinutukoy. Nakuha ko ‘yun mensahe nya. Nakaramdam ako nang matiding hiya sa akin sarili. Sa tingin ko’y di lang masabi ni Sr.Carmelita na mas gusto ko pa atang masabihan maging Hapon kesa ipagmalaking ako’y Pinoy.

Ang hindi lang n’ya alam, ‘yung unang barkong sinampahan ko’y naka-plano kong mag-jumpship sa oras na dumikit ang barko sa puerto, kaso angkorahe kami sa laot kaya’t ‘yung Japanese dictionary na dadalin ko’y napurnada. Ewan ko ba kung bakit may kakaibang karisma ang Japan at kultura nila sa akin, pangarap ko pa ngang makapag-asawa ng Haponesa, lahat ng ito’y naisantabi ng ako’y makapag-asawa’t magkaanak na. Marahil batbat ako ng adbenturismo
nu’ng panahon ako’y binata pa.

Kanina nakita ko sa news ang mag-asawang pinoy na pina-deport mula sa Japan. Bakas sa mukha nila, Arlan Calderon, 36 at kanyang kabiyak na si Sarah, 38 ang matinding kalungkutan sa pagkahiwalay nila sa anak na si Noriko, 13 na ipinasyang bigyan pagkakataon ng gobyernong maiwan at makapanirahan sa Japan.

Bago pa man ‘yun, nakibalita na ako sa kumpare kong Ariel na pabalik-balik sa Japan. Kwento n’ya, mahigit 15 taon ng naninirahan sa Japan, katayuan ay iligal.Kabutihan palad ang kanilang anak na babae ay narehistro bilang citizen. “Problema lang kasi pare gumamit sila ng ibang pangalan.” Hindi man n’ya naipaliwanag ng malalim, paano bibigyan ng pagkakataon manatili sa Japan ang mag-asawa sa una pa lang ay labag na ang kanilang ginawa. Sa tingin ko’y maging precedent sa iba pang may kamukhang kaso kung pagbibigyang ng gobyerno at ito’y kanilang ikinatatakot. ‘Yun nga lang pagbibigay tsansang makapanirahan si Noriko at hindi isinamang pina-deport ay isang pagbubukas ng pinto at bentahe sa mga batang ipinanganak na may kahalintulad na kaso.

Ganunpaman, malaking kyuryusidad at palaisipan pa rin sa isang sulok ng isip kong hindi maisantabi. Sa NAIA pa lang ay hindi maiiwasan “magtaas ng kilay” ang mga nakasubaybay kung bakit mga taga NHK o Japanese media lang ang sinagot ni Arlan dagdag pa sa news ay kahirapan magsalita ng lenggwahe natin. Imagine sa mahigit na 15 taon n’yang paninirahan sa Japan ay nalimutan na n’ya ang wika natin? Kinikiliti ako ng mga katanungan na gaya rin ba sya ng mga kilala nating napunta sa U.S, U.K ang nagpalit ng pangalan, ugali at diksyon ng pananalita? Nagpa-asimila na kaya s’yang tuluyan? May intensyon ba s’yang burahin ang kanyang nakaraan? Tulak ba ng kahirapan sa pinas? kawalan pag-asa? pagka-bangkarote ng bansa sa larangan ng ekonomiya, pulitika at moral na aspeto ng lipunang Pilipino?

Kung masasabi lang n’yang ‘wag ninyo kong husgahan. “Kung bakit hindi sanay magsalita ng lenggwaheng pinoy ang akin anak, kung bakit ganito akong kumilos, manalita na higit pa sa isang tunay na Hapon. Makapag-mamalaki ba akong pinoy kung ang bayan ko’y tinagurian ng ibat-ibang di magandang pangalan “bansa ng mga alipin”, kasama sa mga listahan ng mga ganid at mandarambong, nagugutom, korap, paalila? Magagawa ba ng mga pinoy ang magpatiwakal kapag nakataya na ang integridad at kahihiyan ng kanilang sarili, pamilya at bansa? Sa Japan nakikita kong katiyakan ng aming mga pangarap at kinabukasan!”

Marahil bigyan natin s’ya ng pagkakataong magnilay. Sa yugtong ito’y napakabigat ng kanilang kinakaharap na krisis. Mga taon kanilang pinagsikapan bumuo ng mga pangarap, magiging sukli ay pagkawalay sa kanilang pinakamamahal na anak.

Hindi sasapat ang mga matatamis na salita’t talinhaga. Gayunpaman, iginawa ko kayo ng isang tula…c012eb12b1b6dde6

MALUNGKOT NA PAMUMUKADKAD NG SAKURA*
Kay Noriko

Hindi
ako
mapasasaya
ng
pamumukadkad
ng
Cherry
sa siyudad
ng
Kyoto.

Wala
nang
mahika
ang
klasikang
pagtatanghal
ng
mga
geisha.

Anong
saysay
pa
ng
ritwal
na
Chanoyu.

marahil

ngayon
buwan
ng
Abril

ang
pinaka
malungkot
na
sandaling
masilayan
ang
mga
bulaklak
ng

Sakura.

kasabay
ng
aming

pamamaalam.

Emanzky88
14 Abril 2009

(c) 2009

* Napabilang ang tulang ito sa ANI 35 CCP (2009) The Pinoy As Asian. Nalathala sa antolohiyang IPUIPO SA PIGING (2010)

4196

”Mahirap na masarap ang pagbabarko. Hindi kita gustong dimoralisahin, ang nais ko lang, maging handa ka talaga sa bagong papasukin mo. Kung hindi ka pa naalis huwag kang mainip, makukuha sa tiyaga ‘yan…”

April 14, 1992
Piraeus, Greece

Eman,

Kamustang-kamusta ka na? Pasensya na kung nawalan tayo ng komunikasyon, nakikibalita nga ako kung natuloy ka na, kaso halos isang buwan kami sa dagat, kaya heto ‘yun sulat mo dated February 1. Ngayon ko lang natanggap dito sa Piraeus, Greece dahil drydock kami rito.

So far, ayos na rin ako rito. Medyo sanay na ako, ang pinag-aaralan ko rito kapag libreng oras ay instalasyon ng kuryente sa barko pati ang mga ibat-ibang klase ng motor dahil kung swertihin baka sa susunod ay mag-electrician. Unti-unti lang mahirap biglain dahil hindi biro ang trabaho sa barko.

Mahirap na masarap ang pagbabarko. Hindi kita gustong dimoralisahin, ang nais ko lang, maging handa ka talaga sa bagong papasukin mo. Kung hindi ka pa naalis huwag kang mainip, makukuha sa tiyaga ‘yan.

Hinggil sa buhay seaman, mahirap dahil lagi kapag nabigasyon, buhay ang nakasalalay rin rito. Dahil mahirap rin sabihin kapag inabot ka ng anas-anas (malakas na bagyo) katulad ko unang sakay pa lang galing ng France papunta ng Israel ay inabot na kami ng 3 malalakas na bagyo. Halos wala kaming tulugan, pero sa araw tuloy pa rin ang trabaho sa loob ng barko. Grabe dahil halos isang linggo kaming inalon, talagang napakalaking alon with matching sandstorm. Pakiramdam ko’y masisira itong barko dahil napakalas ng lagabog. Suka’t hilo ang inabot ko, pero kailangan pa rin mag-trabaho sa araw. Kailangang pag nahihilo ka, huwag mong isuko ang katawan o huwag kang matutulog, dahil talo ka hindi ka masasanay sa alon. ‘Yong kasama ko nga ritong bago, trabaho pa rin, may sabit s’yang lata sa leeg para kapag masusuka tuloy pa rin ang trabaho. Maraming klase rin ng alon sa pang araw-araw na nabigasyon ang naranasan ko na’t may mga lugar na kahit anong panahon ay maalon. Katulad dito sa “Bay of Biscay” patungong France, laging maalon dito. Kapag daraan kami rito, naghahanda kami. Halos may mga tali ang gamit namin dito. Dahil kapag nag-swing ang barko, kung mga 30 o 40 (degrees) ang swing ng barko. Ito ang halos nakakahilo ang swing. Hindi basta hilo, sasabihin mo sa sarili na ayaw mo nang mag-barko. Dahil talangang plakda ka, pero kailangan kalabanin mo. Ang solusyon kumain ka, para may isuka. Dahil kapag hindi ka makakain, manghihina ka talaga. Pero ang problema pa rin kapag hilo ka’y di ka makakain. Kaya dapat pilitin mong sarili na kumain.

Kung ang alon ay pasalubong o papuwitan ang dating kahit malakas ay para ka lang nakasakay sa trak o eroplano na lumalagabag. Mahirap pa rin kapag napakalamig, halos manigas ang mga daliri mo’t katawan sa lamig.

Dito pa rin sa barko. Iba’t-ibang ugali talaga ng tao ang makakainkwentro mo. Tingin sa iyo kapag bago, mas senior siya kaya wala kang dapat gawin kundi makisama at bow na lang para walang gulo. Kanya-kanya sa mga baluktot na ideya. Kaya dito ko nalalarawan na paano kung magkaroon ng hindi magandang pangyayari sa barko. Ang tiyak kanya-kanya na rito. Dahil dito masisira talaga ang samahan dahil kanya-kanyang grupo. Solusyon pa rin, tahimik na lang.

Kung utility ang papasukin mo. Linis-linis ‘yan o kung ano ang ipagawa sa iyo ng opisyal, sunod lang. Talagang ganyan sa una. Pero sa malaon masasanay ka rin. Katulad ko rito-pintura, linis at katulong -tulong sa makina, pati nga timpla ng Chief Engineer, pinagawa sa akin. Pero okey lang kapalit naman nito’y napag-aaralan kong makina at motor nama’y relasyon sa kuryente’t medyo maluwag na sa akin.

Masarap kapag nasa puerto ka na laluna’t maganda ang puerto. Kapag hindi ka nagpigil sa gastos, ubos ang kita mo. Pero dito sa biyahe namin dahil Europe at Israel medyo hindi kami makapamili dahil mahal ang presyo ng bilihin, pero para sa kanila ayos lang dahil naka-level sa antas ng pamumuhay nila. Kung sa atin ikukumpara kulang ang sahod para sa maayos na pamumuhay.Tiyak baka hindi mo mapigilan na humanga’t naisin ang mga babaeng Italyana kumpara sa Pranses, Amsterdam, Germany at iba pa. Dahil balanse ang ganda ng taga-Italy, sa kulay, hugis at wankata.

Imagine dito pa sa bayan ni Juan Papa Paulo- sa park balewala ang lips to lips, lamasan at kung magpaparaos sa kotse lang ayos na. Gabi-gabi may bold na palabas sa t.v mga ten o’clock p.m ang umpisa at sa komersyal sa t.v may boobs na pinakikita. Kung talagang dadalhin mo kultura natin dito o ihahambing baka magka culture shock ka! Ganito kaluwag ang pag-ibig sa kanila.

Meron nga kaming nakilala rito, isang saleslady sa tindahan ng sapatos. Akala nga Hapon kami. Tanong nga kung gusto namin makapag-asawa ng Italyana, sabi ko imposible. Sabi nya, hindi imposible dahil gusto rin nila makapag-asawa ng Pinoy. Tol kung pwede lang akong mag -jumpship at wala akong Levy at prinsipyo para sa bayan baka Italyano na tayo.

Kung gusto mo naman ng chicks o paraos dito, punta ng disco at alam mo na pagka-nakainom-mainit ka na. Pero mas type ko ang bago o manligaw talaga rito. Problema lang hindi talaga sila maka-intindi ng ingles. Hirap na hirap sila kaya senyas lang. Siguro kung makakabalik ako ng Manfredonia, Italy talagang gabi-gabi ang gagawin kong dalaw dito sa nakilala ko. Antonella ang pangalan. Sa may bandang itaas ng Europe naman ng France o Germany, 50 U.S.D to 100 U.S.D ang presyo ng chicks dito. Maluluwang na, pero tol kung talagang gusto mo ng ibat-ibang gamit sa sex (dito sa Germany wala ka ng hahanapin pa), magmula sa gamit hanggang sa babae kumpleto sila. May isang lugar sila rito na parang Ermita. Kung gusto mo ng jackol (sasayawan ka ng babae, bold sa salamin) at magdyadyakol ka na. Kung gusto mo naman ng “totkan” handa mo ang 50 U.S.D to 100 U.S.D isang gabi. Kung gusto mong magpalaki ng ari, injection ayos na. Kung gusto na laging matigas
may ipapahid ka. Higit sa lahat baka makarating ka rin dito. Bumili ka ng “fucking doll” ok’s ba?

Tol biro lang nagkwento lang ako ng ganito para malibang-libang.

Oh! papano tol hanggang dito na lang. I hope sa sunod na sulat mo, nakasampa ka na!

Kung saka-sakali at hindi ko natanggap ito dahil nakasakay ka na. Sa mga makakatanggap nito, sana ipadala ito sa iyo.

P.S
Sinulatan ko si Tina nitong buwan ito. Hindi ko alam kung may response.

STP
Kaypee

Sa karanasan ko sa pagiging marino, karaniwan sa mga seaman pinoy ay hindi ganun kabukas na lumangoy sa kultura at malalim na pakikipagkilala sa mga marinong may ibang nasyunalidad.

Si Ioanni Sapountsis (tunay na pangalan) ay isang Griyego, Chief Cook sa unang barkong Clipperventure- L na aking unang sinakyan. Sa kabila ng pagkaiba ng aming nasyunalidad ay hindi naging hadlang para sya’y maging isang matalik na kaibigan.

Hindi man kami nagkasama pang muli sa barko. Kinuha ko pa rin s’yang ninong ng aking panganay na anak sa binyag kahit wala ang kanyang presensya.

May 17 pirasong sulat ang naging palitan namin mula Oct.23,1993- Oct.18,1999. Naputol ang aming komunikasyon dahil sa paglipat n’ya ng tirahan sa Greece. Hindi s’ya ganun kabihasa sa ingles kaya’t karaniwan ay ipinagagawa n’ya sa mga pinoy seaman, kung may pagkakataon ay isinasalin sa kanyang sariling sulat- kamay.

Sakay na!

Sagwanin natin ang “Notes Of A Greek Seaman- #1!

October 23,1993

Hello Ed

Here once again to inform you that there will be a vacancy in Steward Department (Utility Steward) this coming December.

The ship is going to Japan/ Korea/ Taiwan after discharging the chemical here in New York/New Jersey.

So if you could still wait for this schedule, we could work together here.That is, if you want. If not, I can’t do nothing.

Please write me soon as possible so that I could settle here for your embarkation. I will just ask Captain to send you a telex so please back immediately before it’s too late.

Don’t worry about the salary. It’s about same with your previous ship. We have also a good Captain and there’s no problem with crew’s though theres a four Salvadorans Able Seaman (AB).

This is bye for now. Take care and regards.

Your Friend,

Ioanni

P.S
I mailed my first letter to you in Le Havre, France. Didn’t you handled it?

e61c1e110e81a40c

Isinabog nang
gabi
ang ngalan mong
Bianca
itinago nang mapagkunwaring
dilim
ang katauhang
Maria Asceñsao de Sousa.
Sa mapang-unawa kong
mata
ay hindi ka
puta!
inilubog ka lamang
nang fado at dusa.
May lungkot ang aming
pag dis-atraka
ginaygay ang Ilog Tagus
may iniwang
alaala.
Ang tanging sambit ko’y
mea culpa!
sa pagbalik ng barko’y
isa sanang
umaga…

Emanzky88
M/V Clipperventure-L
Lisbon, Portugal
Galley
23 Pebrero 1993