Iwasan mong makipag-sabayan,dahil ubus-ubos ka d’yan. Hindi bale sana kung ‘yong pinagka-gastusan mo’y makikita’t maiuuwi mo rito sa atin at least nakita mong pinagpaguran mo. Mahirap ang maiuwi mo rito’y kwento na lang…
August 15,1992
Pilipinas
Eman,
Pagbati!!!
Bok, kamusta ka na! I hope medyo nakapag-adjust ka na. Sana’y lagi ang pag-iingat d’yan lalo’t kapag medyo delikado ang pinagagawa sa iyo. Safety first muna,dahil iba ang trabaho natin d’yan,laluna’t kapag maalon. Sa mga kasamahan mo naman d’yan, unti-unti mong makikilala ang attitude ng mga iyan, laluna’t kapag problemado. Kaya ‘yung dating gawi, yung natutuhan natin kung paano tayo makisalamuha sa kanila, pero h’wag naman sobra, alalay ka lang sa kanila.
Hinggil naman sa mga amo mong goyo (Greek) ang attitude n’yan pag bagito ka. Medyo pasisiklaban ka ng mga ‘yan, konting pautos na pasigaw. Pero wag mong intindihin ang mga ‘yan, ganyan lang ang mga ‘yan, dahil takot din ang mga ‘yan sa atin. Pakita ka lang nang kabaiitan sa mga iyan pero may limitasyon. Dahil kapag nakita kang bow ka lang ng bow, aabusuhin ka ng mga ‘yan. Sa una’y cool ka lang kung may sama ka ng loob. Pero kapag matagal ka na d’yan,pwede mo ng sagutin ang mga ‘yan, basta’t nasa katwiran. Ang kainaman sa mga ‘yan, kapag nagalit sa atin, kinabukasan wala na, hindi nagtatanim ng sama ng loob. Basta’t wag mo lang kakalabanin ng husto, kundi magpa-plano ang mga ‘yan para pauwiin ka, and last, kapag nagtiwala sa iyo ang mga ‘yan, ‘wag mong sisirain dahil once na nasira ka sa kanila, wala nang tiwala sa iyo kahit ano pa ang gawin mo’t baka sirain pa ang record ng seaman book mo. At kung galit na sa iyo ang mga ‘yan, hindi titira ng harapan ang mga ‘yan, ang bira sa iyo n’yan, sa seaman book at pauuwiin ka nila. Basta pag nasalubong mo eh “greet” mo lang ng “yiassou” ok’s na ‘yan.
Hinggil naman sa labasan, medyo alalay ka lang sa inom at chicks. ‘Yong makaranas minsan ay sapat na, pero ewan ko kung makayanan mo, dahil ng narito ka hindi mo mapigil yun pa kayang nariyan ka sa mga tisay.
Iwasan mong makipag-sabayan, dahil ubus-ubos ka d’yan. Hindi bale sana
kung ‘yong pinagka-gastusan mo’y makikita’t maiuuwi mo rito sa atin at least nakita mong pinagpaguran mo. Mahirap ang maiuwi mo rito’y kwento na lang. Alam mo naman mahirap ang trabaho nating mga seaman. ‘Tol pasensya ka na kung ito ang inuna ko, ito’y payong kapatid lang naman.
Bok, malamang ay sumulat ka sa akin sa barko. Hindi ko na iyon matatanggap dahil ng July 31 ay nag sign-off na kami. Kasama kong Kapitan at Chief Engnr.namin. Sa September pa sana kami mauuwi kaso nu’n nasa Rusya kami (Odessa)* ang estimate namin ay mga isang buwan kaming angkorahe kaso isang linggo pa lang ay pinapasok na kami, so naaga ang alis namin sa Rusya, so nag-decide na rin kami na sumabay umuwi sa Chief Engnr. at Kapitan, dahil naghahabol din kami ng rekomendasyon para sa promosyon.
Halos ika-2 linggo ko na rito sa atin, medyo nakapaninibago, ‘yun konting kita ko, medyo nauubos na dahil malakas ang gastos at maraming bisita. Anyway, talagang ganyan, laluna’t sa unang uwi. Susunod makakaipon na tayo at medyo makapagplano ng maganda-ganda laluna’t kung papalarin tayo na mapwesto bilang electrician. Nakapag-report na ako sa upisina’t nagpasalubong para lumakas-lakas. Ang banggit nga sa akin ni Kapitan ipupwesto n’ya akong electrician pero sa malamang sa dating kumpaya pa rin. Dahil ang rekomendasyon ko’y galing doon, so maghihintay ako ng tawag. Sa malamang baka maalis ako sa last week of September or October. Dahil hihintayin ko ang baba ng electrician, para doon na lang ako makabalik at least kabisado ko na ‘yun.
Medyo kinakabahan nga ako, baka mabulilyaso, pero t’yak kaya ko na. Dahil medyo naghahanda na ako rito. Kung meron man kulang sa akin ngayon, iyon ay ang negative thinking hinggil sa panibagong posisyon sa trabaho. Pero kung magkakaroon lang ako ng inspirasyon, malamang wala ‘yan mga negative na ‘yan.
Tulad mo alam kong very inspired ka sa ngayon. Dahil nabalitaan ko bago ka umalis nag-date pa kayo ni Lily at tumawag ka pa bago ka sumakay, talagang pa-eklat mo bulok! Pagkatapos sa pag-uwi mo, sabi mo raw ay pakakasal ka na,malakas na yata ang loob mo tsong, noon wala ka naman niyan ah! Tol , ang siste pa, binalita sa akin ng inang, mga isang linggo na makalis ka na, umi-strike ang dalawa (si erpat at yun alalay nya) kasama rin n’ya si Marcial para pasama sa bahay. Nakausap ang inang at nagpapasama kina Lily. Ginawa ng inang dinala kina Cris, buti na lang at di muna agad sinamahan ni Cris dahil nahihiya so hindi natuloy. Ang sabi naman ni erpat gusto lang daw nya na makita ng personal si Lily. Talagang matindi ano?
Anyway, nakadalaw na ako kina Lily,talaga naman “abot-tainga” ang ngiti ni Lily ng biniro ko’t ikinuwento ko mga plano ni erpat.Tawa nga ng tawa si Lily, nagsabi na s’ya na lang dadalaw sa inyo. Bago uli ako makaalis, papasyal kami sa bahay, kaya paki-explika sa bahay na papasyal kami. Pero sa malamang dadalaw ako sa bahay baka sabihin ni erpat nakalimot na ako. Bok kung seryoso ka pakasal sa pag-uwi mo, i-timing mo ng December 1993 dahil kung masasakay ako, plano kong umuwi ng November 1993. Dahil gusto ko naman makita ang kasal mo’t pakapag-pasko rin dito. Kung okey sa iyo di gawin mo akong abay ok’s ba!
Kaypee
*Ang Odessa ay tuwiran bahagi ng Ukraine-Kwentulang Marino