Sa kolehiyo pa lang “attracted” na’ko sa mga babaing tsinita at may “oriental feature”. Kaya’t nang maging marino ko, ‘yun “obsesyon” ‘kong makapag-asawa ng isang Haponesa, Koreana, Intsik, Vietnamese at iba pang kababaihang Asyana ay lalung nagsumidhi. Preperensya ko rin ang mga kababaihan sa Latin America, may pagkakahawig din sila sa’tin kultura at lambing nila. Gusto kong maglagos at lumangoy sa ibang kultura.
Hindi man natupad ang pantasya’t obsesyon kong makapangasawa ng ibang lahi. Wala naman akong pagsisi sa pinay na ina ng aking tatlong anak .
Sumagi sa akin ang bagay na “inter cultural marriage.” Dahil sa araw na ito (Pebrero 15,2009) ay ikakasal ang isang kaibigan ko, sa katauhan ni Joei, isang pinay at Jason, isang purong Tsino sa mainland China.
Si Ana o Joei (mas komportable s’yang tawagin sa kanyang nickname) ay mula sa angkan Ilusorio-Villarama.Kahit sabihin pang nasa kanya na ang lahat ng bagay,masasabi kong s”ya ‘yung taong “down to earth” ika nga.
Humigit kumulang ay limang taon din kaming hindi nagkita. Kung tutuusin nga ay pwedeng hindi na mamasukan o magpakahirap pa. Pero nandoon pa rin ang patuloy n’yang pagtuklas sa buhay, pagka-uhaw n’ya sa mga kaalaman ng isang ordinaryong nilalang, adbentura na may kahulugan. Sa China,nagtuturo s’ya ng English, consultant din s’ya ng isang pharmaceutical firm sa Tianjin at nagsusulat din s’ya sa isang journal para sa mga expat, ito rin ang naging daan kung paano sila nagkakikilala ni Jason, para sa isang interbyu na may kaugnayan sa larangan ng sports at negosyo, mula doo’y sumibol ang isang pag-ibig.
Ikinasal na sila sa China at Pilipinas nitong nakaraang taon. Syempre pa, sa tradisyunal na Intsik ay kailangan din silang magpakasal ngayon Lunar o Chinese New Year. Kahapon ay bertdey ni Mareng Joei (isa s’ya sa ninang ng aking bunso, si Karlos Eson) Pebrero 14-Araw ng mga Puso, sa e-mail ko na lang ipinaabot ang matapat na pagbati ng buong pamilya. Para sa mga Intsik, mas akma ang February 15 para sa kanilang kasal.
Likom-likom ko pa ang mga bagay na kanyang ibinigay, kung tuusin ay maliit lamang ito sa iba, pero para sa akin ito’y nakadagdag sa aking pagkatao- ang bigay n’yang picture frame na kasama s’ya at ang grupo plus si Joey Ayala na kasama pa ang kanyang pabalat sa CD na Panganay ng Umaga, ipinahiram n’yang libro na Neuro-Linguistic Programming (NLP). Ang homemade book na ginawa n’ya mula sa librong “The Man Who Planted Trees” by Jean Giono, translated by Peter Doyle, sabi sa note
“Wish you enjoy this homemade book and may the story inspire you and your family for many years to come.Let’s plant seeds of hope and love always’ A joyous and blessed Christmas 2004 and New Year 2005”
Joei Villarama
Ang pag-iimbita nila na masaksihan ng aking pamilya ang isang konsyerto sa Cultural Center of the Phils. (CCP) ng kanyang kapatid na si Mariel Ilusorio (kabiyak n’yay isang Chilean musician) na isang tanyag na “classical pianist”.
Pinakikinggan kong bigay nilang CD na pinaka-tema ng kanilang kasal, sa labing anim na kanta ‘y pinaka-gusto ko’y Nine Million Bicycles (Katie Melua), Here, There & amp; Everywhere (The Beatles), Kiss Me (Sixpence None The Richer), I Love You More Today Than Yesterday (Goldfinger), Grow Old With You (Adam Sandler).
Sa pabalat ng CD makikita mo ang kanilang masayang pagkikilala at pag-iisa ng kanilang mga pangarap at tibok ng puso, kislap ng mga ngiti at mata.
Hangad kong pag-iisa n’yo sa kabila ng pagkakaiba ng lahi at kultura. Sana’y makapag-ambag kayo at magiging anak n’yo para sa pagpapabuti ng ating lipunan.
Sa Chiwan ako unang napunta sa mainland China. Hindi ko alam ngayon ang panahon sa lugar nila. Ang tiyak para sa mag-asawang Joei at Jason, ang kanilang paligid ay maningning, mabango at puno ng pag-ibig. Isandaang porsyentong- TAGSIBOL SA TIANJIN!
(c) 2009 Kwentulang Marino