Hulyo 2011



Kakaiba
ang lapot ng
lomi
sa ibabaw ay
manipis
na pritong itlog
atay at mitbols
dagdag na sahog.
Umuusok
ang inihahaing
canton at bihon.
Maingay
ang kalansing ng
tinidor at kutsara.
Humahalakhak
ang pingkian ng mga
bote
ng serbesa.
Sa bawat
subo’y
gunitang binubuhay
ang mga
dating
kasama.

Emanzky88
13 Hunyo 2011

©2011
Kwentulang Marino

*imahe mula sa google

Advertisements


Ikubli
man sa tawag
na
Montero.

Lantad
na kasing-kahulugan
ay
ungot
sa pangulo.

Emanzky88
14 Hulyo 2011

©2011
Kwentulang Marino
*imahe mula sa wikipedia


Ang Hindi Matapustapos na Kuwento ni Carlos
(Kay Darby)

“Filipinos fight for US citizenship
in Afghanistan…”
– Interaksyon.com

Tinakasan ang bayan
hindi binabalungan ng pag-asa.
Pumila ang mga namimintig na binti para
sa isang mahabaang digma.
Maamong tumalima sa dikta ng
mapanakop na amo.
Handang galugarin ang nakausling
kanlungan ng mga banal na mandirigma.
Yakapin ang nanunuot na lamig ng
kalungkutan.
Mapagpaubayang iumang sa
pangil ng dilim.
Taus-pusong singhutin ang
pulbura ni kamatayan.
Idinidilig ang mga nalasog na pangarap
sa nagbabagang buhangin.
Sumasabay sa awit ng
makapangyarihang nasyon laban sa
pundamentalista.

Tumurumpeta ang mga putok
mula sa kanyon at riple.
Pinapurihan ang mga inulila
ng binalot na mga bituin.
Nanumpa ang mga naputol
na panaginip
sa ika-4 ng Hulyo.

Emanzky88
5 Hulyo 2011
5:00 n.u

(c)2011 Kwentulang Marino
*imahe mula sa google

“Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) decided last night to return cash given by the Philippine Charity Sweepstake Office…”

– The Philippine Star

Para mapuntahan ang
mga nasa istero.
Kinakailangan
sumakay sa
Pajero

Para matunton ang
mga nasa kanayunan.
Kinakailangan
sumakay sa
Pathfinder

Para mayakap ang
mga batang naulila.
Kinakailangan
sumakay sa
Strada

Para madalaw ang
mga nasa bilangguan.
Kinakailangan
sumakay sa
Crosswind

Para mahipo ang
may karamdaman.
Kinakailangan
sumakay sa
Montero

Para mapasaya ang
mga nagdurusa.
Kinakailangan
sumakay sa
Grandia

Para mapabilis ang
biyaheng langit.
Kinakailangan
makipagtalik sa
impakta.

Emanzky88
9 Hulyo 2011

© 2011
Kwentulang Marino
*imahe mula sa google

Sirko
(sa ika-1 taong pangako)

ULTRA

ang naging hantungan
sa kumakak na talumpati
hinahon ay pangako
sukab na pakikipagbati
kabataa’y iniligaw
sa ingay ng kalampagan
kapuringgit na wangwang
ang nakayang ipagyabang.

Quirino

gunitang sinumpaan
padrino’y walang puwang
sa makitid na daan.

Cirque du Soleil

umaliw! pumalit!
sikmura’t panga’y
patuloy na nangawit.

Emanzky88
30 Hunyo 2011

(c)2011 Kwentulang Marino
*imahe mula sa republika blogspot.com/yahoo

Dumalaw ang pangulo
sa nilubog na
siyudad ng Cotabato.
Maraming mga
panukala.
Nagsiste
hindi nga lang
nabile.
Puwede nga daw
hakutin
gawing panambak sa
Spratly.
Inanod ang mga
balita.
Pagmamalaking ibinando
balak mag-uwi ng
ilang piraso
para sa fishpond
ng palasyo.

Emanzky88
23 Hunyo 2011

(c) 2011 Kwentulang Marino
*imahe mula sa google