(Sa Kasagsagan Ng Kaguluhan Sa Thailand)
Makahihindi ba ako
sa iyong
payapang mukha.
Sa malambing na
pakiusap
na makitulog sa aking
kanlungan.
Hinilot mo ang hindi ko
mangiting likod,
mga ugat na nangalay
sa maghapong
pag-aalay.
Nilandas nang lawayang
dila
ang iyong pusod na may
pilat.
Tinahi ng karahasan
na sa pag-ibig ay
salat.
Humihimig ka ng
oyayi
sa inilagak mong
anak.
Binabagabag ang
tiyan
nang isang beses
na anihan.
Tinalo nang habag
ang naghuhumindig
na libog
at yabang ng
bayag.
Malilimutan ko ba
ang iniwan mong
imahe
ni Buddha.
Tagubilin
ay laging
gawin,
sa ibaba ay
labag
sa itaas ay
pagpuri.
Karahasan
ay laging
iwaksi.
Malilimutan ko ba
ang iyong
payapang mukha.
Nanariwa ang mga luhang
gumuhit
sa aking gunita,
habang sa kasagsagan ng
kaguluhan
ay nahahati ang iyong
bayan,
sa dalawang kulay na
pula at dilaw.
Emanzky88
Mayo 20, 2010
© 2010 Kwentulang Marino
*
Si Na ay isang babaing nakilala ko sa laot ng Thailand may 16 na taon na ngayon ang nakaraan. Saan ka man naroon ngayon. Para sa iyo ang tulang ito. Salamat na minsan ay may naibahagi kang karanasan sa aking buhay.
***
imahe mula sa Flickr.com