Tuldukan
ang kahirapan……….
mayabang na
utos
ng
pangulo.

…………………habang

Gatuldok
ang mayaman……….
naghaharing angkan
sa aming
bayan…………………..
……………………………
……………………………

Emanzky88
23 Mayo 2011

(c) 2011 Kwentulang Marino
*imahe mula sa google

Advertisements


Kuya… sa aming pong barangay
may batang apat na taon gulang
ang namatay. Tubig sa katawan
ay hinigop ng tag-araw. Bunsong
kapatid ang sumunod
na inagaw. Tumirik
ang walang kulay na bilugang
mata. Kumiwal na palabas
ang ilang maputlang bulate
sa bibig, ilong at tainga. Panganay
sa lahat ay nasa mababang paaralan
ikatlong grado. Tanong ng titser
na galing sa mula. Kung bakit
lagi siyang tulala. Sagot
ng batang namumutla.

“Lagi pong nalilipasan ng
pagkain ang humpak na sikmura.”

Inabala ang malungkot na kuwento. Balita
ay bumulaga sa telebisyon segundamano.

“Dumalaw sa may sampung manggagawang pumanaw. Sa Eton
Condominium ay sumalalak ang mga buhay. Masiglang
bumaba sa bagong bullet proof na
Lexus
ang bagong pangulo.”

Emanzky88
28 Enero 2011

© 2011 Kwentulang Marino
***
imahe mula sa google

(Paano Bigkasin Ng Karaniwang Pinoy Ang Laruan Ni Noy?)

Itataas ba ang kanang kamay na tila si Hitler?

Poorzeeiii?!
Poorzwaaah?!
Poorzaleee?!
Poorzhiiit?!

Sa pagbigkas pa lang ay pilipit
na itong dila. Tiyak ito’y
mamahalin.
Banyagang salita sa mga tulad nating
maralita.

Mahirap bigkasin
sa tulad nating vendor na inutal ng lansangan.
Mahirap intindihin
sa tulad nating hinilo ng traysikel, dyipni, bus
LRT at MRT.
Mahirap isaulo
sa tulad nating binabayo ng mga tumaas na presyo.
Mahirap sikmurain
sa tulad nating walang mailagay sa sikmura.
Mahirap maglaway
sa tulad nating natuyuan ng laway.
Mahirap tanggapin
sa tulad nating tumanggap sa pangako ng pagbabago.
Mahirap unawain
sa tulad nating kulang sa pang-unawa
sa katwiran ng asendero.

Mapanganib ang tumawid
sa matuwid na daan.
Pwede kang masagasaan
nang humahagibis na
marangyang sasakyan.

Emanzky88
15 Enero 2011

© 2011 Kwentulang Marino
***imahe mula sa official website ng Porsche