Agosto 2009


5680_112377772766_101164622766_2138294_3550545_n1

Nag istrol

sa

Trinoma

si

Mabini

hindi

nasiyahan ay lumipat

sa

SM City

Gustong kumaing

ni

Marcelo H. del Pilar

sa

Mc Donald’s

may padalang alawans

ang kanyang anak

Tumangging sumama

si

Dr. Jose Rizal

mas gusto niya

sa

Jollibee

langhap pinoy kasi

Buong

giliw na ipinagmalaki

ni

Mariano Ponce

sa bayang

Baliuag

ay may katatayu lang

na

SM City

Reklamo

ni

Andres Bonifacio

ay hindi man lang maalayan

ang kanyang

rebulto

Sabad

ni

Felipe “Apo Ipe” Salvador

mabuti pa nga kayo

apo ko na ang naging mayor

dito

kahit kapirasong

monumento

ay walang naitayo

sa

ngalan

ko

2

Gumimik

ang mga

ilustrado

sa pamumuno

ni

Aguinaldo

niyabangan ang mga

propagandista at rebolusyunaryo

sa

fastfood lang daw

kayang

kumain ng mga ito

sa

mamahaling

restawran

na

Le Cirque

ang pasiklab

ng

grupo

kabuntot si Paterno Quezon Laurel

at

Roxas

Sa dami ng nakaing

Caviar

malaki ang kanilang

babayaran

Huwag kayong matigagal

sigaw nitong

si

Macapagal

magkano ba ang

suma-tutal?

beynte mil dolyares

lang naman

buong pagmamalaking

binayaran

3

Gran aybol ang tropa

pinaghalong rebolusyunaryo repormista elitista

Naaliw

sa ibat-ibang nakita

maraming ngumangawa sa

kalsada

patay na pala

si

Michael Jackson Francis Magalona

Bakit

lumulutang ang kulay dilaw

sa

Ayala

tanong

ni

Ninoy

sa mga kasama

Sagot

ni

Diokno

sa kulungan ay kanyang

kakosa

Libing

ni

Cory

na iyong asawa

Ganyan lang ang mga

pinoy

sa una

bukas makalawa ay wala na

Sumaya

ang mga indiyo at ilustrado sa

ibat-ibang

anunsyo

sumayaw at kumanta

si

Buboy Syjuco

ng

TESDA

nabigyang buhay

ang

apelyido

ni

TEODORO

tigapag alaga

lang

pala ng baboy

si

Binay

naawa sila sa

bubungang

butas na bahay

ni

Villar

ipinakita namang

PUNO

ay walang bunga

kahit ni isang bubot na

mangga

napailing

si

Manuel Roxas

sa pagsikad ng trayk

ng kanyang

apong

si

Mar Roxas

tumakbo nang matulin

si

Erap

salamat sa gamot

na

Arthro

hindi naman sila nakaligtas

sa sermon

ni

Miriam Santiago

4

Eksposyur tayo sa

BASECO

ang kayag

ni

Lean Alejandro

tumango lang sina

Jopson Beltran Olalia

tinanong

ang masa

kung payag na sumawsaw

si

Satur at Casiño

sa

Nacionalista

buweltang

sagot sa kanila

bakit

wala bang sariling

partido

ang

kilusang masa?

sino

ang kilala ninyong

mga

bayani?

(may gantimpala kayong nakatabi!)

Lucky Me Noodles 3 in 1 Nescafe UFC Sarsarap Ulam king

Lotto ticket Nokia Celfon Unli Text

Trip to Boracay

BAYANI?

GMA FG Garci Abalos Neri Ermita Remonde Claudio

Bolante Mancao Romualdez Suarez

CBCP El Shaddai Ombudsman AFP VFA

Senado Kongreso COMELEC

Darna Rosalinda Hayden Kho Revillame

Eat Bulaga Wowowee Payaso EDSA People Power

ZTE Stocks Cha-Cha Con-Ass

Steak Red Wine Caviar Astoria

BAYANI?

pasensya na po

hindi

naming talaga kayo

kilala

madali kayong

mawala

sa aming

memorya.

Emanzky88

28 Agosto 2009

*** Nalathala sa antolohiyang IPUIPO SA PIGING (2010)

franciscobalagtas>

“Ang tanging maipagmamagaling ninyo eh sanay lang kayo na magsalita ng ingles…”

Sa elementari ay pinasusulat kami nu’n ng sanaysay, kung bakit mahalaga na matutong magsalita ng ingles. Hanggang ngayon, tanda ko pa rin yung basis o argumento ko na kaya dapat matuto o magpakahusay na magsalita ng ingles eh – ” Para umunlad ang bansang Pilipinas.”

Ano naman ang relasyon nito sa “Buwan ng Wika” ngayong Agosto?
Hindi naman ito usapin o pagtatalunan natin kung “F o P” ba ang dapat gamitin sa
salitang Pilipinas o Pilipino. Hindi rin usapin kung dapat bang pagtalunan kung ang pambansang leggwahe ba eh Tagalog o Cebuano. Hindi rin dapat kwestyunin pa kung anong dapat gamiting salita sa mga ahensya ng gobyerno, miting sa Palasyo, senado o
kongreso. Dahil palasak na daw ang ganitong mga tema.

Kahit na nga nakatapos ako sa kolehiyo. Aaminin kong may kahinaan ako sa ingles at ang nakintal sa isip ko mula pa ng pagkabata ko’y imperyur ang isang tao kapag hindi sanay mag-ingles. Kaya nabuo sa isip kong mahinang klase ang isang pinoy (kabilang na’ko) kapag di sanay mag-ingles.
Kaya marami sa atin ang humahanga kapag ang isang senador o kongresista ay nagtatalumpati sa wikang ingles. Pinagmamalaki natin, kapag ang ating presidente ay nagtatalumpati sa mga pandaidigang pagtitipong gaya ng sa U.N, APEC atbp. nang walang kagatul-gatol na magsalita ng ingles. Tinatawanan natin, ang mga hapones, koreano na gumagamit pa ng interpereter.

Kung mas tatalakayin pa natin ito sa perspektiba o usaping “kolonyalisasyon” eh aabutin tayo ng siyam-siyam. Siguro ay pagaanin na lang natin. Mas pa, sa pananaw na nakintal sa akin at sa maraming pinoy- ” na kapag wala kang kasanayang mag-ingles ay hindi makakatulong na umunlad ang ating bansa. Pangalawa mas superyur tayo sa isang tao, maging pinoy o banyaga man ito kung maalam kang mag-ingles.”

Lahat ng nasabing argumento eh nahugasan nang makapaglakbay ako sa ibat-ibang bansa. Hindi ko magawang insultuhin ang kausap kong griyego, hapones, intsik, koreano, thai at iba pang nasyunalidad na hirap sila sa komunikasyon sa ingles. Dahil ang dati o luma kong paniniwala na kapag maalam ka sa ingles ay isang guni-guni na lamang ng isang tulad ko. Kabaligtaran ito sa aktwal na pakikipag-ugnayan ko sa kanila. Kahit na nga hindi sila maalam sa ingles ay mas maunlad ang antas ng kanilang pamumuhay kaysa atin. Hindi ko sila magawang pagtawanan, marahil baka nga ako pa ang kanilang pagtawanan. Baka nga sabihin pa sa akin – “ang tanging maipagmamagaling ninyo eh sanay lang kayo na magsalita ng ingles.”

Nag-aaral na rin silang magpakahusay sa ingles pero di nakintal sa kanilang isip na kaya lang maunlad ang kanilang bansa ay dahil lang dito…ang yakapin at sambahin ang wikang banyaga.

Iniisip ko lang, kung labis-labis ang pagsamba, pagdakila at pagkilala
natin sa lenggwaheng ingles bilang superyur na salita. Nangangahulugan ito nang pagsantabi natin sa ating sariling wika.

250px-Php_bill_500_front

” The Filipino Is Worth Dying For ”
– Benigno S. Aquino Jr.

Ikaw ba iyong
kaaway
ni
Marcos?

Ikaw ba iyong
binaril
sa
tarmac?

Ikaw ba iyong
tatay
ni
Kris?

Ikaw ba iyong
ipinalit
na
ngalan
sa
Manila International Airport?

Ikaw ba iyong
inilagay
sa
limandaang piso?

Ikaw ba iyong
nakasalamin
at
may
ibon
sa maraming
rebulto?

Ikaw ba iyong
ipinalit
na
pangalan
sa
Marcos Avenue?

Ikaw ba iyong
asawa
ni
Cory,
nais
ding
ilagay ang mukha
sa
pera,
idiklarang pambansang
bayani
at gawing santa?

Ikaw
pala
‘yun…

Ikaw
pala
si
Ninoy!?

Emanzky88
21 Agosto 2009

2252648200_55ec985791

“Laking gulat na pinaghalong saya nang matanggap kong isang express mail mula sa Pattaya, Thailand…”

Labing anim na sulat pa ang hindi ko nai-post ukol kay Ioanni Sapountsis. Mahigit sampung taon na kong hindi nakakatanggap ng sulat o balita mula sa kanya. Laking gulat na pinaghalong saya nang mataggap kong isang express mail mula sa Pattaya, Thailand.

Agad-agad kong binuksan ang sobre na lakip ang isang postcard. Nakasaad sa sulat (minabuti nating i-post sa orihinal na teksto kahit mali ang balangkas ng pangungusap at grammar para ipakita at ipadama din na hindi sadka ang kakulangan sa ingles para mabuo at ugnayan nang isang tunay na magkaibigan) ;

July 08,2009

My Kompare,

Im Yannis. Youre cook from CLIPPERVENTURE. Hope
youre all family is good ASIAH now about 13 years.
I like see you and all family, me also work series my new
wife pilipina from Cebu. Now me is Thailand vacation if
you resive this card. You write adress my wife to
Cebu also your telephone. Because if resive my
family for my wife me call you.

Nakakataba ng puso dahil sa tagal ng mga taon ay naalala pa rin niya ko.

Pinadala ko sa Cebu ang ilang litrato naming mag-anak at isang card nang pasasalamat.

Dalawang linggo pa ang lumipas at isang tawag mula sa Singapore ang aking natanggap. Ramdam mo sa kanya ang saya. Ilan araw lang at pupunta naman sila sa Malaysia. Kung papalarin makauwi sila ng Oktubre sa Cebu ay balak niyang makita ang kanyang inaanak.

Natatandaan pa rin niya ang isang kwento tungkol sa sapatos na Nike
na aking binili sa U.S. Kinagat kasi niya ang pinaka-kahon nito at kinakantyawan akong bakit ko nabili ang ganun kamahal na sapatos (mga 1995 yun at may kamahalan ang naging bili ko). “Maraming naghihirap na Pilipino at yan ay suot-suot mo.Para mo lang silang iniingit,” tanda ko niyang pangangantyaw nuon habang kami ay naghahanda ng tanghalian sa mga crew. Ang tutoo tumatak sa isip ko yun sinabi niya at may kanti nang pangongon-sensya.

Nakakatuwa na may isang nakilala kong tulad niya na hindi naging hadlang ang kultura at nasyunalidad.

fondo_caviarIstranghero
ba
ito
sa
maraming
Pilipino?

Oo!

Pagkain ka bang
matatawag?

Oo!

Gaya ka ba ng isang noodles
na araw-araw naming
kinakain?

Hindi!

Pinaghalong toyo at mantika
ka bang inilalamas
sa
kanin?

Hindi!

Pinapatalastas ba ito
ni Jimmy Santos
at
pwedeng
maging ulam?

Hindi!

De lata
ba
ito
na may
ibat-ibang
putahe?

Hindi!

Kropek ba ito
na
may
tatak
na litson manok
at madalas naming
iulam?

Hindi! Hindi!

Hugis bilog
at
kulay itim
ba
ito
na
parang
nunal ng isang
pangulo?

Pwede! Pwede!

Inihahain ba
ito
sa
mga
mamahaling restawran?

Oo!

Pinagmumulan
din
ba
ito
nang
kaguluhan?

Pwede!

Nakamamanhid at
batbat
ng
kasinungalingan,
pagkagahaman
kapag
ikaw
ay
nakakain
nito?

Oo!

Pagkain
lang
ba
ito
nang iilan?

Oo! Oo!

Mga taga
palasyo
lamang
ba
ang
kumakain
nito?

Oo! Oo! Oo!

Ed Nelson R. Labao
14 Agosto 2009

(c) 2009 Kwentulang Marino

nypost-montage-on-gma-binge

Masasabi nating hindi lang sa larangan ng musika at sining pang “world class” ang pinoy. Maging sa larangan ng pagkain at panlasa. May mataas tayong kaalaman o kamalayan. Hindi sasabihin nang ibang nasyunalidad gaya ng mga Pranses na sinasabing may mataas na antas sa larangan ng moda at pagkain na ang mga pinoy ay “ignoramus” kapag panlasa na ang usapan.

Pahuhuli ba naman tayo diyan. Mismong ako nga na isang hampaslupang marino eh nag-astang may alam dito. Nang madaong ang aming barko sa Odessa,Ukraine eh bumili ko ng caviar at para sabihin nakatikim ako ng caviar pati pinaglagyan nito eh nakadispley sa kabinet namin. Kahit na nga maalat-alat ang lasa nito eh pinatikim ko ke misis, sa utol kong babae at sa aking bayaw.

Magkamukha din pala kami ng karanasan nila PGMA at kanyang mga kasama sa pagbisita sa U.S. Kumain naman sila sa isang mamahalin at tanyag na restawrant.
le-cirque-montage-1Marami ang pumupuna sa naging pagseselebra nila bago umuwi ng pinas at dumalaw sa labi ni dating Pres.Cory Aquino. Ba’t daw gumastos ng $20,000 sa pagkain lang. Isang kaluhuan daw ‘yon. Por dyos por santo, syempre ang kakain ay siyang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. Alangan namang bulanglang at pinangat na aligasin ang kainin doon. De lalo tayong pinagtawanan at nilait ng mga kano at europeo. Isa pa, sabihin na nating simple lang ang gusto nating mangyari sa grupo. Ba’t di sinamahan o itinuro man lang ng mga aktibistang nakabase sa U.S ang grupo ni PGMA sa isang karinderya o
tuto-turo. Gano ba naman ang $20,000. Problema kasi sa ating mga pinoy sabi nga ng isang kano na may ari ng isang groseri, “lagi ninyong kinukumpyut o kinokombert sa piso ‘yun pinambili ninyong dolyar!” Kaya para daw kaming bigat na bigat gumastos. Para sa ikagagaan ng inyong kalooban heto ‘yun menu at naging bill nila sa Le Cirque
le-cirque-menuSige nga kung yun piso natin eh titipirin ay kayang makabili nito?

Sandali lang, may nag-text sa akin isang kaibigan. “Bro gud am pwd b me na 4ward itong txt ko ke mare, bka pwd mkautang sa grcry niu si mcis, e2 un nid nya 2day pra sa aghan ng mga bta, bbyaran ko rn mamia pm pgsahod me- 2 pck luky me bif nudels – 14.00, 2 pcs sarsarap un ptlastas jimy sntos “no mor lnly riz” – 6.00 , 1 pc.hapi tutpez-5.00, 2 pc skto toyo- 5.00, kuking oyl-5.00 pra pm ilamas sa kanin pres2 lsang adbo hapi n un mga bta nun. 2 pc.3 in 1 kopiko-10.00, cencia n pre bka icipin mo cnasmantala ko n kau kmo inaank m c bunso ko. Biaran k rin mamia tel n lng k mare. Tnx, BFF- Ompong.”

cory-aquino_special_315x170Iisa
ang lipad nating
dalawa,
laban sa buwitreng
diktadura.

Awit
ay nagkaiba
dahil sa
tonong
pampulitika.
Ikaw ay
dilawan,
kami ay
pulahan.

1987

sa kuko ng
kapangyarihan,
tinig
ng mga
magsasaka
ay naghumiyaw.
Ganting putok
ay umalingawngaw
sagot
ng iyong kawan.

Sa kahabaan ng
Mendiola,
pinaghalong amoy ng
tirgas at pulbura;
ngitngit
kong isinigaw
na rehimen mo’y
pasista!

Kristalisasyon

ngayong ako
ay wala na,
sa anumang kulay
ng pulitika
nalagom na mga karanasan;
balik ng
kamalayan.

Bakit nga ba
ikaw ay
paghahanapan?
Tularan si
Fidel Castro,
mga lupaing kanyang
minana.
Ipinamahagi sa mga
campesinos ng
Cuba.
Katotohanang
hindi ka naman
tunay
na galing
sa aming uri
at linya.

Mahalaga ay nag-ambag
ka,
sa kamulatan ng
masa.
Inamin mong
kahinaan,
naganap sa
Mendiola.
Pagkahayok sa
kapangyarihan
ay iyong
tinalikdan.
Wala sa hinagap mong
mag-astang isang
mesiya,
na siyang sasagip
sa hirap
nila.
Ipatanaw na utang
na loob,
tinamasang
demokrasya.

Dalisay ang iyong
kulay,
pakpak ay walang bahid
ni mantsang
tunay.
Kita ko sa
huling
lipad mo,
may ningning sa
dilawan
mong
balahibo.

Emanzky88
4 Agosto 2009

(c) 2009 Kwentulang Marino

*litrato mula sa pdi.net

Bagong Pahina »