Mga nakaraang araw pilit kong inaabala ang isip ko sa pag biyahe ni PGMA, kung tutuusin wala naman akong mapapala dahil di naman ako politiko. Hindi rin naman ako myembro ng kung anuman pampulitikang organisasyon. Hindi rin naman akong isang nag-aastang “political analyst” ng isang bayaran presidential aspirant.
Kung iyon dating iniisip ko na kaya sila magbeso-beso eh dahil sa usapin sa VFA, patuloy na pagbibigay ng pabor sa mga negosyo ng U.S sa bansa, pagiging matapat pa rin alyado.Mas pa lumikot ang isip ko, di man sabihin na babasbasan siya ng U.S sa anuman hakbangin sa mga darating na araw. Na “de facto” itong tinatanggap ng U.S bilang isang mensahe ng pakikipagkita niya kay Obama at bilang isang paglikha ng “world opinion” at magandang imahe nito sa huli.
Higit pang pinangangambahan ko’y ang tahasan niyang sinabi sa SONA na hindi siya magdedeklara ng Martial Law. Ikinalilikot ng isip ko’y yung formulation kong “The Honduras Twist” Kung si President Zelaya ay pinatalsik ng isang kudeta dahil sa balakin niyang extension sa kanyang term. Maaring mangyari naman sa Pilipinas ay isang “coup na magmumula sa kanyang matatapat na heneral at kasundaluhan” Hindi rin ito patatagalin at magpapatawag na i-convene ang kongreso at di kinakailangan ng partisipasyon ng senado syempre pa nasa renda ito ng militar. Presto, may iluluklok silang pinuno na hindi na dapat pang pagtalunan ang kinababaliwan CHA-CHA o CON ASS.
Sagot mo kokondenahin ito ng U.S? Tingin ko’y hindi, kung sa Honduras ay pabalat bunga na kinondena ito ni Pres.Obama ; sa katotohanan ay may palihim at lantad na partisipasyon ang U.S sa naganap sa pagpapatalsik kay Pres.Zelaya. Gaya rin ng naging kaguluhan sa Iran. Malalim na paliwanag rito ang nagiging daloy ng pagsasama-sama ng mga bansa sa Latin America na kontra sa
U.S gaya ng Venezuela, Nicaragua at Bolivia. Ang ikinahanga ng marami sa mga naging lider ng Venezuela at Honduras ay galing sa mga konserbatibong linya na tumungo sa pagiging makabayan at laban sa dominasyon o panghihimasok ng U.S.
Gaya ng dati sa mga iba ko pang post. Wala bagay dito sa mundo na simple lang ang dahilan kung bakit napadalaw sa bansa ang CIA Director na si Robert Panetta. O simpleng kaya ka lang pupunta ng U.S ay para makamayan mo si Obama. Para lang iyan ng isang “body language” kahit hindi mo sabihin ay matutukoy mo kung ano ang intensyon.
Para sa akin hindi naman lagi nating sundan ang kasaysayan at sabihin nauulit lang ito. Mukhang natuto na ang U.S na hindi lahat ng pwedeng mangyari na ginawa nila sa isang bansa ay ganun din ang pwedeng gawin nilang operasyon sa bansa natin. Pwedeng magkaroon ng “twist o fusion” gaya ng sa pagkain.