Ginalugad ang mga lansangan. Sa laot sarili’y natagpuan, naging makulay.
Kaya’t tawagin nyo ‘kong isang hampaslupa o hampasdagat na marino na punong-puno ng tula’t kwento. Kulang man sa kinis, ipagpaumanhin nyo.

PABORITONG MAKATA’T KWENTISTA
Pablo Neruda, Carlos Bulosan, Alexander Pushkin, Lualhati Bautista, Ryonosuke Akutagawa, Mochtar Lubis, Ricky Lee,
Eman Lacaba.

PABORITONG TULA, AWIT, KWENTO AT PELIKULA
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Rashomon, Fast Car, Walang Hanggang Paalam, Con Agua Para Chocolate, Life is Beautiful, Frida, Motorcycle Diary, Empire of the Sun, The Last Emperor, Lorca, Dr.Zhivago, Himala, Jan Dara, Volver, Maynila sa Kuko ng Liwanag, Me Siento Tan Sola, Sa Ugoy ng Duyan, Sister Stella L, Sorento, I Used To Be A Sailor.

SALAMAT SA MGA BAGAY NA NAGPATINGKAD SA’KIN BUHAY
Who Magazine, Malaya, Midweek, Dekada 70’, ASIN,Tracy Chapman, Gloria Trevi, Joey Ayala, Gary Granada, Heber Bartolome, DZRJ, Lisbon, Houston, Barcelona, Buenos Aires.
Ibat-ibang mukha ng mga kwento, sa mga lalaki at babaing nakilala ko sa bawat sulok ng mundo, kina Mrs.Nuygen, Julie (Houston), Erni, Wanda (Pontianak), Alexander (Ukraine), Ioanni Sapountsis (Greece), Nah Thoukontot, Suri (Thailand), Dr.Angel Pereira (Venezuela), Hsu Lan (Kaohsiung), sa mga hindi ko nabanggit. Nagbibigay sa akin nang lakas at dahilan para yumabong pa – kina Beck, Asiah, Emman at Eson , sa lahat kung bakit ako’y patuloy na sumasagwan sa buhay ng pulitika, sining, tula, kwento at byahe ng buhay.

Karapatang-ari (C) 2008 Kwentulang Marino at Ed Romano Labao

8 Tugon to “About”

  1. Gary Says:

    Hindi ako makapaniwala na hindi bahagi ng impluwensya (o nagpatingkad sa iyong buhay) ang grupong ASIN.

    ASIN… nalimutan mo na ba yung kunsyerto nila? First time kong dumalo ng kunsyerto yun. Yun yung Tour nila na nag promote ng album na “Himig ng Lahi”. Di ba yung “Magulang” ang sinabi mo sa akin noon na ipinapadinig mo sa magulang mo para maunawaan nila ang “pakikibaka”?

    1. emanzky88 Says:

      tama ka don,nun isang araw naisip ko na bat’ hindi kasama ang ASIN.

      may panahon din nakulili at nakulit ka sa’kin sa paulit-ulit na patugtugin senyong stereo ang SORENTO!

      RAMDAM NA BA D’YAN ANG HULING YUGTO NG……..

  2. plumaatpapel Says:

    ok ang mga tula mo tungkol sa paghahanap kay neruda at iyong tungkol kay la gloria. di ko pa napapasadahan ang iba. medyo nagkakapalit lang yata ang paggamit ng NANG at NG. pasensiya na. mabuhay ka!

    1. emanzky88 Says:

      Maraming salamat po sa komento. Tama kayo sa aking kahinaan pa rin sa paggamit ng NANG at NG sa kabila na may mga gabay na kong nabasa sa tamang gamit nito. Isa ito sa aking kahinaan na di pa naiigpawan bukod pa sa tamang gamit ng pangungusap, baybay atbp. Ganunpaman, salamat sa paalala at konstruktibong pagpuna ^_^

  3. J. Kulisap Says:

    Si Noel Granada, Heber, Noel Cabangon, Sampaguita, Lolita Carbon

    Malamang may impluwensiya.


  4. Hi Ed,

    Ang tagal mo na palang nagba-blog sa WordPress. Congrats at na-sustain mo hanggang ngayon!🙂

    “Life is Beautiful” at “Empire of the Sun” Dalawa sa mga pelikula mong nagustuhan ko rin nung napanood ko.

    Mahilig rin akong gumawa ng tula, para sa’yo at sa mga mambabasa mo, heto ang ilan. Sana inyong magustuhan:

    http://seekersportal.wordpress.com/2010/11/09/daigdig/

    http://seekersportal.wordpress.com/2010/11/09/pag-ibig-at-panulat/

    http://seekersportal.wordpress.com/2010/10/22/talinghaga/


    1. Adrian salamat sa pagbisita sa Kwentulang Marino!

  5. Jason Toribio Says:

    Hari ng Tondo

    Sino ba ang makapagsasabing nalinis na ang Maynila?
    Sinong ba ang makapagsasabing umuusad at walang pila?
    Kahit saan nakakairita ang sikip lalalo na sa Divisoria.
    Di mahulugang karayom, pero wallet mo ay mawawala.

    Sakayang Punta, Kalentong, Gabys papuntang Divisoria.
    Kadalasan ibababa sa Abad Santos, makatawid lang ng Avenida.
    Mga mauutak nga naman minsan di ka pa nasuklian.
    Intindihin mo na lamang, araw-araw kinokotongan.

    Mga batang paslit, batang paslit din ang bitbit.
    Tutungtong sa jeepney kakanta piso ang kapalit.
    Nasaan ang magulang nito sukdulan ang aking awa.
    Bata… bata… sa iyo paano ito nagawa?

    Nilakad ko makauwi lang sa aking mahal na pamilya.
    Buong mahapon sa trabaho sa piling nila’y magpapahinga.
    Pambili ng pasalubong na isang linggong inipon ko pa.
    Ibinili kong masarap na tinapay at ipinaubaya sa bata.

    Minsan ko silang nakikita kinukurot ang damdamin.
    Hindi ko maiwasang bumulong sa hangin.
    Bakit may mga pabayang siga nga sila kung tawagin.
    Pero duwag sa responsibilidad dapat bayag nila ay pitpitin.

    Mga batang gusgusin pinabayaa’t pakalat kalat sa daanan.
    Bahala na kung madaanan, mahagip at masagasaan.
    Minsan natututo magnakaw at lumaking barumbado.
    Di mo masisisi maging tulad nilang basagulero.

    Sa Tondo ipinanganak ang mga matatapang na tao.
    Ilang bayani, katipunero, politiko pati mga sundalo.
    Sisirain nyong mga lapastanga’t tarantado.
    Ang lugar na datiy tirahan ng mga matataas na tao.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s