HAMPAS NG ALON


“EKSIBISYONG PARANGAL SA IKA- 24 NA TAONG KAMATAYAN”

Danilo "Danjun" Valcos Jr.

Isinilang: ika-17 ng Pebrero 1966
Namatay: ika- 26 ng Oktubre 1985

Binaril ng mga sandatahan ng pamahalaan
nuong ika – 21 ng Oktubre sa panulukan
ng daang Taft at Ayala, Maynila sa protesta
ng mga magsasaka at magbubukid ng
Gitnang Luzon

“Ang paglilinkod at paghahandog kung walang
nakaugat na pag-ibig ay walang kabuluhan
at sa dakong huli ito ay kasakiman.”
– Danjun

"ANG PINAGMULAN"

"ANG PINAGMULAN"

ANG KANYANG KABATAAN

ANG KANYANG KABATAAN

TRANSISYON NG ISANG DILAWAN

TRANSISYON NG ISANG DILAWAN

BOYKOT SA KOLEHIYO - 80'S

BOYKOT SA KOLEHIYO - 80'S

KAISA NG PANINIWALA MULA SA MALAYONG BAYAN

KAISA NG PANINIWALA MULA SA MALAYONG BAYAN

ANG MGA NANGIBANG BAHAY

ANG MGA NANGIBANG BAHAY

ANG HAMPASLUPA

ANG HAMPASLUPA

NAMUMUNLA NG PALAY

NAMUMUNLA NG PALAY

NAMAMAGANG KARAHASAN

NAMAMAGANG KARAHASAN

MANTSA NG PAGPASLANG

MANTSA NG PAGPASLANG

 MISA SA KABILANG BAKURAN

MISA SA KABILANG BAKURAN

MISANG PARANGAL #1

MISANG PARANGAL #1

KABABAIHAN NG SIMBAHAN

KABABAIHAN NG SIMBAHAN

MISANG PARANGAL #2

MISANG PARANGAL #2

TAGAPAGTAGUYOD NG KALIKASAN

TAGAPAGTAGUYOD NG KALIKASAN

MGA KAMAO AT SIGAW

MGA KAMAO AT SIGAW

ANG PAGSILIP NI RONALD

ANG PAGSILIP NI RONALD

ANG PAGHAHATID

ANG PAGHAHATID

ANG PAGBUHAT

ANG PAGBUHAT

ANG PAGBUHAT #2

ANG PAGBUHAT #2

ANG PAGLABAS

ANG PAGLABAS

ANG PAG-USAD

ANG PAG-USAD

ANG PANAWAGAN

ANG PANAWAGAN

PROTESTA SA PADER

PROTESTA SA PADER

MABIGAT NA PAGHAKBANG #1

MABIGAT NA PAGHAKBANG #1

MABIGAT NA PAGHAKBANG #2

MABIGAT NA PAGHAKBANG #2

HANTUNGAN

HANTUNGAN

ANG PAGTANGGAP

ANG PAGTANGGAP

ANG TITIK NG KASAYSAYAN

ANG TITIK NG KASAYSAYAN

(C) 2009 Parangal ng Kwentulang Marino

*Pasasalamat sa Kay Mommy Gloria, Obet at Pamilya Valcos
sa pahintulot at mga litrato

*BABALA: may litratong maselan na kinakailangan ng gabay/paliwanag sa menor de edad o wala pa sa hustong gulang

noodles ni villar Ang pagkain ay isang sukatan kung ano ang katatayuan ng isang tao o lipunan. Natatandaan ko pa nu’n, mga tatlumpu’t limang taon na ang nakararaan. Pag tinanong ka kung ano ang inyong ulam o iniulam, bantulot kang sagutin laluna’t umiiral ang iyong hiya-“tuyo (dried fish o bulad sa kabisayaan) lang po” nung panahon na yun, pag nag-ulam ka ng tuyo e nasa level ka ng mahirap na pamilya. Pero ngayon hindi ka na dapat mahiya, dahil ang 1kl. ng tuyong kaliskis ay umaabot sa 160-200 piso. Tambok o lapad ay 250-300 piso ang 1 kl.

Matapos ang yugto ng tuyo, daing o bulad ay pumasok naman tayo sa yugto ng Galunggong. Sa panahon bago at maluklok ang namayapang presidente na si Cory Aquino. Ang isdang galunggong ay kinokonsidera na mababang uri o pagkain lang ng mga purdoy. Kaya’t napalitan naman na “GG lang po ang ulam namin.”

Ngayong namatay na si Pres. Cory Aquino ang isdang GG ay di na pagkain ng purdoy. Ang sukatan kung ikaw ay naghihirap ay ang madalas mong pagkain ng instant noodles mula umaga hanggang gabi, sasabawan mo ito ng ilan pitsel na tubig para mapagkasya sa buong myembro ng pamilya.

Ba’t na naman naungkat ito? Dati mo na yata itong nai-post? Maaring sagot ng ilan nakakabasa ng aking mga ipinaskil.

BInagabag lang kasi ko ng mga napagkikita kong instant noodles at bottled water na ipinamimigay sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.
bottled water annette helbig
Sa pakiwari ko hindi lang ngayon ito ipamimigay sa panahon ng kalamidad. Magpapatuloy ito hanggang sa panahon ng kampayahan o eleksyon. Syempre pa, nasa balatkayo pa rin ito ng patuloy na pagtulong sa mga nasalanta. Kung dati ay ipinamimigay lang ng mga kandidato ay mula sa t-shirt, pamaypay, payong, kendi, bag, kalendaryo, semento, poso, yero, buhangin at bato.

Bubuhos ang mga pang-konsumong produkto na kailangang-kailangan ng pangkaraniwan o nagdarahop na masang pinoy. Babaha ang mga instant noodles, mga naka-sachet na 3 in 1 coffee, shampoo, sarsarap, patis, catsup, toyo, cooking oil. Kaibahan lang nito ay nakapaskil ang mga mukha ng kandidato at naghuhumiyaw nilang pangalan.

Para sa iba, isa itong katawa-tawa at insulto sa malawak na masa. Sa isang banda, para sa mga politikong may ganitong ideya, bukod sa nakatitipid, epektibo din itong ko-konekta sa masa. Alam ng mga nasa likod nito na ang masang pinoy ay gaya ng isang instant noodles – madaling makalimot, madaling mapagpatawad,madaling bumigay; sentimental o emosyunal, kakapit sa patalim kapag sikmura ay kumakalam, matiisin at madaling paikutin. Hindi nila kukutwesyunin kung bakit nakapaskil ang mukha ng isang kandidato sa mga nasabing produkto. Sabihin mo man iyon ay isang diktadur o asawa ng isang diktadur, protektor ng mga gambling lord, maraming pinapatay, sipsip sa U.S, sangkot sa ZTE o C5 scandal at kumakain sa mga mamahaling restawran. Walang puwang ang mga katanungan, walang puwang ang sino at bakit kami binibigyan…walang puwang ang pagtanggi.

Kung dati ang mga nagpapagawa lang nito ay mga malalaking fastfood chain, hotel o mga kumpanyang may ispesyal na pag-gagamitan. Ang mga kandidato o politiko ay pumasok at papasok na rin sa ganitong larangan.

Para sa malalaking negosyo. Tingin ko’y hindi sila nangangamba na ma-apektuhan ang kanilang negosyo o produkto kung ilalagay nila ang mukha ng isang diktadur o politikong batbat ng anomalya at pandarambong, iba pang krimen laban sa bayan. Katwiran nila, kami yung naasahan ninyo sa panahon ng may kalamidad ang bansa, kami ang nag-uulat sa mga kaganapan kahit na nga walang patalastas, kami ang nagpapadala ng mga tone-toneladang sardinas, noodles, gamot, blanket. Parang manok na di ma pa-itlog ang aming mga foundation kung paano kami tutulong. Kami na inuuna ang kapakanan ng mamamayang Pilipino bago tubo.

Nabugbog na ang pangkaraniwang masa ng patalastas sa telebisyon. Napasaya na kami ng mga telenovela, nanalo na kami ng milyon-milyon sa mga pa-kontes at pa-raffle.Napaiyak na kami ng inyong mga proyekto para sa mga batang walang pampaaral sa hayskul.Napapaniwala na kami ng mga sikat na nag-indorso ng nasabing produkto – na ito’y walang lason, nakapag-papayat, nakabubusog, nakapag-papatalino, nagpapatawad at natututong magmahal.

Kaya’t walang problema kung ito’y ipamimigay, ipamumudmod sa panahon ng kampayahan. Bumaha ng limpak-limpak na pera at pangunahing kailangan ng masa. Magpapakalunod kami sa sabaw ng noodles, magpipista kami sa ibat-ibang putahe ng instant ulam na de lata, malalasing kami sa iba-ibat klase ng kape, ipanghuhugas namin ang mga bote-botelyang tubig sa inaalipunga naming mga paa. Hahalimuyak ang aming putikan buhok sa ibat-ibang klase ng shampoo. Dahil ang lahat ng ito’y sa amin din nanggaling.
0e4c18fe615f7946
Ang ikinatatakot ko lang. Huwag sana silang maging kampanteng mga politikong gumagawa at gagawa nito. Baka sa pagkain ng pankaraniwang masa na kanilang animo mumong kanin ipinamudmod ay biglang kabagan at hindi matunawan, umakyat sa kanilang ulo – mahimasmasan at tuluyang matauhan. Sumuka…isuka…sumuka nang sumuka…isuka nang isuka.

(c) Karapatang-ari 2009 Kwentulang Marino

* litrato sa noodles ni Tina Bustamante Tubongbanua
litrato sa botelyang tubig ni Annette Helbig
sumusukang payaso mula sa news.yahoo.com

yahoo.news com

“Tahasan naming itatanggi ang mali ninyong pagtingin sa aming pagka- Pilipino…”

Sa “international community” huwag po kayong magdadalawang isip na magpadala ng donasyon sa bansa , para sa kalunos-lunos na sinapit ng aming mga kababayan sa lupit ng bagyong Ondoy.
Huwag din po kayong matakot na sa hindi mabuting kamay babagsak ang inyong donasyon, pawang paninira lang po na gagamitin lamang ito ng mga politiko o gagastusin lamang para kumain sa mamahaling restawran. Ibubulsa o ipambibili ng boto sa darating na halalan.

Wala din pong katotohanan na ito ay bunga ng kapabayaan ng gobyerno, na walang maayos na plano – tinatawag ng iba na “urban planning.” at kawalan ng disaster management plan.

Hindi rin po ito bunga ng pagbibigay pahintulot sa mga dayuhang nagmimina at walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan. Polyusyon mula sa mga lokal at dayuhang pabrika.

Tahasang itatanggi din po naming kung sasabihin ninyong kaming mga Pilipino ay salahula, na kung saan-saan na lang magtapon ng mga basura, kaya ito ang sinasapit naming mga pinoy. Sa totoo lang po, ipinagmamalaki naming isa kami sa pinakamalinis na tao sa mundo. Kayo ba ilan beses ba kayong maligo sa loob ng isang araw? Kahit na nga malamig ay naliligo kami, di tulad ninyong dinadaan na lang sa pawisik-wisik ng kolon. Pasensya na po, hindi nga pala namin kayo dapat awayin.

Yung nakikita po ninyo na mga ngumingiting biktima ng Ondoy na kalahati ng katawan ay nakalubog sa baha at nakukuha pang magtawanan at magkantyawan, likas na po sa amin iyon. Anuman ang dumating sa aming bagyo, lindol, at salot ay kaya naming harapin. Hindi naman kami gagaya sa mga kapatid naming Asyano na simple lang problema o kahihiyan ay para ng sinukluban ng langit at lupa. Kadalasan pa e nagpapatiwakal ang marami. Ano kami bale?

Baka sabihin din ninyong mababaw ang kaligayahan naming mga pinoy, na komo artista lang o politiko ang namimigay ay madali na naming malimutan at mapatawad kung sino talaga ang may kagagawan ng trahedya. Okey lang po sa amin na mamigay sila. Nakamayan ko nga po si Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa totoo lang po tanggal ang pamumulikat ng aking bewang at pangangati ng alipunga sa aking paa. Hindi ko nga po napigilang tumili at kunan ng
litrato ang mga iba pang artista. Napapasalamat nga din kami sa mga politikong namigay ng relief goods mula sa mga lalaban sa pagka-presidente mula kay Erap, Villar, Noynoy hanggang sa lokal na kandidato. Talagang trak-trak kung dumating ang mga donasyon. Okey lang po kahit sabihin ng iba na ginagamit lang kami para sa kanilang popularidad.

Wag din po kayong maniniwala na hindi tumulong ang mga tropang Amerikano. Katunayan nga po, kung sabado nanalasa si Ondoy, linggo na po ng ala una ng hapon rumesponde sila. Yun nga lang po inaasahan ko sana na ipapakita nila yung galing nila sa mga Balikatan exercise, na kahit malakas ang alon ay nakasakay sila sa isang rubberboat na animo dadagitin ang kanilang ililigtas at ilalayo sa panganib. Ewan ko rin kung nagamit nila yung mga helicopter na parang tulad din ng eksena sa Hollywood na kukunin sa bubungan ang biktima. Ganunpaman payag pa rin akong manatili sila dito sa pinas kahit na nga kwestyunin ng iba ang pananatili nila dito. Sila pa rin ang hero ko sa matagal na panahon.
Speaking of rubber boat, di po totoo na dalawa lang ang ginamit ng mga nag- reskyu sa Marikina. Marami pong stock na rubber boat dito sa pinas, lahat po ng ahensya ng gobyerno meron dito.
Kahit nga po sa kongreso, senado mero din po. Syempre pa maging sa palasyo, kasi naman malapit yun sa Ilog Pasig. Uulitin ko po rubber boat hindi po mga bundat na tiyan, baka po kasi magkanriringgan kayo.

Huwag din po kayong padadala sa balita na kaya malungkot ang mukha ni Kuya Gibo at Ate Glo ay na – guilty sila. Iyon po ay manipestasyon ng pagmamahal at malasakit sa aming mga pinoy.

Kung nakita man nga pala ninyo si Jessica Soho nung gabi ng sabado na parang me tinig nang kawalan ng pag-asa at yung reporter nilang si Susan Enriquez na mangiyak-ngiyak eh pagpasensyahan na po ninyo at naging emosyunal lang sila. Hindi nila dapat ipinakikita sa t.v yung tunay nilang damdamin. Dapat maging manhid este matatag sila gaya ng mga namumuno sa bansa.

Kasinungalingan din po na sabihing makasalanan na kaming mga pinoy kaya sinisingil na kami sa itaas o pagpaparamdam lang na malapit na ang paghuhukom. Kami ang pinakauna o tagapagtaguyod ng Kristiyanismo dito sa Asya. Narito din ang mga ibat-ibang kongregasyon. Matatag ang simbahang katoliko, INC, JIL, El Shaddai, kaya nga di makalusot-lusot yun kung anu-anong bill. Di pwede sa amin- pag nakasalang na eh moralidad naming mga pinoy.

Sa kabila nito eh kaya naming harapin ang mga pagsubok. Kaya naming bumangon. Isa lamang paghamon ito sa aming katatagan. Kahit na nga sabihing matiisin kami, iba ang Pinoy!
Mahalaga ay kung paano kami manalig sa dakilang lumikha at sa mga namumuno sa aming bansa. Uulitin ko, Tahasan naming itatanggi ang mali ninyong pagtingin sa aming pagka- Pilipino.

– litrato mula sa news.yahoo.com

nypost-montage-on-gma-binge

Masasabi nating hindi lang sa larangan ng musika at sining pang “world class” ang pinoy. Maging sa larangan ng pagkain at panlasa. May mataas tayong kaalaman o kamalayan. Hindi sasabihin nang ibang nasyunalidad gaya ng mga Pranses na sinasabing may mataas na antas sa larangan ng moda at pagkain na ang mga pinoy ay “ignoramus” kapag panlasa na ang usapan.

Pahuhuli ba naman tayo diyan. Mismong ako nga na isang hampaslupang marino eh nag-astang may alam dito. Nang madaong ang aming barko sa Odessa,Ukraine eh bumili ko ng caviar at para sabihin nakatikim ako ng caviar pati pinaglagyan nito eh nakadispley sa kabinet namin. Kahit na nga maalat-alat ang lasa nito eh pinatikim ko ke misis, sa utol kong babae at sa aking bayaw.

Magkamukha din pala kami ng karanasan nila PGMA at kanyang mga kasama sa pagbisita sa U.S. Kumain naman sila sa isang mamahalin at tanyag na restawrant.
le-cirque-montage-1Marami ang pumupuna sa naging pagseselebra nila bago umuwi ng pinas at dumalaw sa labi ni dating Pres.Cory Aquino. Ba’t daw gumastos ng $20,000 sa pagkain lang. Isang kaluhuan daw ‘yon. Por dyos por santo, syempre ang kakain ay siyang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. Alangan namang bulanglang at pinangat na aligasin ang kainin doon. De lalo tayong pinagtawanan at nilait ng mga kano at europeo. Isa pa, sabihin na nating simple lang ang gusto nating mangyari sa grupo. Ba’t di sinamahan o itinuro man lang ng mga aktibistang nakabase sa U.S ang grupo ni PGMA sa isang karinderya o
tuto-turo. Gano ba naman ang $20,000. Problema kasi sa ating mga pinoy sabi nga ng isang kano na may ari ng isang groseri, “lagi ninyong kinukumpyut o kinokombert sa piso ‘yun pinambili ninyong dolyar!” Kaya para daw kaming bigat na bigat gumastos. Para sa ikagagaan ng inyong kalooban heto ‘yun menu at naging bill nila sa Le Cirque
le-cirque-menuSige nga kung yun piso natin eh titipirin ay kayang makabili nito?

Sandali lang, may nag-text sa akin isang kaibigan. “Bro gud am pwd b me na 4ward itong txt ko ke mare, bka pwd mkautang sa grcry niu si mcis, e2 un nid nya 2day pra sa aghan ng mga bta, bbyaran ko rn mamia pm pgsahod me- 2 pck luky me bif nudels – 14.00, 2 pcs sarsarap un ptlastas jimy sntos “no mor lnly riz” – 6.00 , 1 pc.hapi tutpez-5.00, 2 pc skto toyo- 5.00, kuking oyl-5.00 pra pm ilamas sa kanin pres2 lsang adbo hapi n un mga bta nun. 2 pc.3 in 1 kopiko-10.00, cencia n pre bka icipin mo cnasmantala ko n kau kmo inaank m c bunso ko. Biaran k rin mamia tel n lng k mare. Tnx, BFF- Ompong.”

pic-08010226280310

Kung tutuusin hindi naman ako nagtapos na may kaugnayan sa diplomasya o international study man lang. Magkahalong kiliti at pagkadismaya ang aking naramdaman sa nabasa kong news sa isang net.

Mukhang wala pa yatang nag-reak man lang. Sa ganang akin, hindi approriate na gawin o “designate” ni Pres.Obama ang ating pangulo na regional coordinator sa ASEAN. Sa wari ko parang lumalabas na isa siyang BIG BOSS ng multinational corporation na-Promote si PGMA sa Asia. Parang level eh usaping negosyo.Sana man lang isa siyang kinatawan ng isang international institution gaya ng U.N.

Sa ganang akin eh hindi maganda ang dating o ako lang ang nagbibigay ng masamang motibo.

Iyon man lang eh sinabi niyang “major o leading partner” Lumalabas na ang status ng U.S at Pilipinas ay hindi co-equal sa mata ng mundo o pang-diplomasyang paggalang.

Sabagay kung tutuusin titingnan tayo ng U.S na ” ganun kababaw ang mga Pilipino bigyan mo lang ng titulo eh kayang-kaya na nating utuin. Uuwi sa kanilang bansa na may pagmamalaki.”

Sabi nga ng matatanda ang “isda eh nahuhuli sa bibig” Ang dulas ng dila eh manipestasyon lang na meron pala tayong pingangamuhan. Hindi man tuwiran sabihin ni Obama kami ang inyong amo eh mahihinuha sa mga bagsak ng kanyang salita.

Sana ay hindi pa naman huli ang lahat na matahak natin ang tamang daan para sa makulay na kasaysayan nating mga Pilipino at mga namumuno sa bansa natin.

*litrato mula sa PDI.net

pic-07311039420570Mga nakaraang araw pilit kong inaabala ang isip ko sa pag biyahe ni PGMA, kung tutuusin wala naman akong mapapala dahil di naman ako politiko. Hindi rin naman ako myembro ng kung anuman pampulitikang organisasyon. Hindi rin naman akong isang nag-aastang “political analyst” ng isang bayaran presidential aspirant.

Kung iyon dating iniisip ko na kaya sila magbeso-beso eh dahil sa usapin sa VFA, patuloy na pagbibigay ng pabor sa mga negosyo ng U.S sa bansa, pagiging matapat pa rin alyado.Mas pa lumikot ang isip ko, di man sabihin na babasbasan siya ng U.S sa anuman hakbangin sa mga darating na araw. Na “de facto” itong tinatanggap ng U.S bilang isang mensahe ng pakikipagkita niya kay Obama at bilang isang paglikha ng “world opinion” at magandang imahe nito sa huli.

Mvd963733Higit pang pinangangambahan ko’y ang tahasan niyang sinabi sa SONA na hindi siya magdedeklara ng Martial Law. Ikinalilikot ng isip ko’y yung formulation kong “The Honduras Twist” Kung si President Zelaya ay pinatalsik ng isang kudeta dahil sa balakin niyang extension sa kanyang term. Maaring mangyari naman sa Pilipinas ay isang “coup na magmumula sa kanyang matatapat na heneral at kasundaluhan” Hindi rin ito patatagalin at magpapatawag na i-convene ang kongreso at di kinakailangan ng partisipasyon ng senado syempre pa nasa renda ito ng militar. Presto, may iluluklok silang pinuno na hindi na dapat pang pagtalunan ang kinababaliwan CHA-CHA o CON ASS.

Sagot mo kokondenahin ito ng U.S? Tingin ko’y hindi, kung sa Honduras ay pabalat bunga na kinondena ito ni Pres.Obama ; sa katotohanan ay may palihim at lantad na partisipasyon ang U.S sa naganap sa pagpapatalsik kay Pres.Zelaya. Gaya rin ng naging kaguluhan sa Iran. Malalim na paliwanag rito ang nagiging daloy ng pagsasama-sama ng mga bansa sa Latin America na kontra sa
U.S gaya ng Venezuela, Nicaragua at Bolivia. Ang ikinahanga ng marami sa mga naging lider ng Venezuela at Honduras ay galing sa mga konserbatibong linya na tumungo sa pagiging makabayan at laban sa dominasyon o panghihimasok ng U.S.

Gaya ng dati sa mga iba ko pang post. Wala bagay dito sa mundo na simple lang ang dahilan kung bakit napadalaw sa bansa ang CIA Director na si Robert Panetta. O simpleng kaya ka lang pupunta ng U.S ay para makamayan mo si Obama. Para lang iyan ng isang “body language” kahit hindi mo sabihin ay matutukoy mo kung ano ang intensyon.

Para sa akin hindi naman lagi nating sundan ang kasaysayan at sabihin nauulit lang ito. Mukhang natuto na ang U.S na hindi lahat ng pwedeng mangyari na ginawa nila sa isang bansa ay ganun din ang pwedeng gawin nilang operasyon sa bansa natin. Pwedeng magkaroon ng “twist o fusion” gaya ng sa pagkain.

r909928565

“Heto proud tayo na s’ya ang kauna-unahang lider sa Southeast Asia na opisyal na pagbisita kay Obama…”

Sabi nga eh…may tamang oras at lugar ang mga bagay o pangyayari sa pagdadaop nila U.S Pres.Obama at ang ating mahal na PGMA. Biruin mo nga naman ilan beses ng nagtangkang makabeso bago at matapos maluklok si Obama sa pagka-pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa, ‘yun ilan beses din s’yang nabigo (PGMA).

Heto proud tayo na s’ya ang kauna-unahang lider sa Southeast Asia na opisyal na pagbisita kay Obama. Sabagay dati si PGMA pa ang nagnanais makausap sa phone si Obama , bandang huli si Obama pa ang tumawag, wow naman talagang dapat maging “so proud” tayo, di nga natin alam kung ‘yun ay may kaugnayan kay Daniel Smith o sa VFA.

Kamakailan lang ay dumalaw sa ating bansa ang Central Intelligence Agency Director Leon Panetta. Sa karanasan kapag binisita ka ng isang makapangyarihang tao mula sa U.S lantad man o nasa ibang pampanggap na delegado sa negosyo o pribadong institusyon…asahan mong may pinaplantsang gusot o gustong mangyari sa kapaburan pa rin ng U.S, ‘yan ay karanasan na sa lahat ng bansang pinanghimasukan ng U.S. Gaya ng ginawa ng U.S at Britanya sa kay Prime Minister Mossadegh ng Iran nuong 1953(http://www.angelfire.com/home/iran/1953coup.html)

Sa pagbisita sana ni PGMA ay huwag sanang masadlak ang bansa natin sa mas peligrosong kalagayan. Marami sa mga nagmamasid sa politika na ang pangunahing hihingin ni Obama ay maasahan pa rin “alyado” sa Asya ang Pilipinas para sa anumang bantang pananalakay ng U.S sa
North Korea at Iran, isa pang isyu ang VFA at tuwirang pagmamay-ari ng dayuhang mamumuhunan sa yaman ng bansa.

Ang pagbisita ay may mga nakatagong adyenda, maniobra, pabor para sa interes lalu’t higit sa panig ng U.S

Sa kasaysayan, ang buwan ng Hulyo ay simbolismo ng pagkakaibigan ng U.S at Pilipinas. Sa kabila nito, hanggang sa kasalukuyan ay umiiral ang isang pagiging magkaibigan na binabalot ng katusuhan.

8ae2d97c0d2a19fe

“kung bakit nasa yugto tayo ng pagkalito, kawalang direksyon at kawalang pag-asa…”

Hindi ko maalis na ma-touch sa isang patalastas na may eksenang dinaanan ng isang bagyo.Kasabay nito’y isang awiting pinaghalong lambing at lungkot sa kanilang diyalekto.Kundi ako nagkakamali ang setting e sa Batanes.’Yun pinaka suot kasi nung babae na katutubong panangga sa ulan ay sa gawing Batanes gamit.

Para sa akin pwede siyang makakuha ng award sa Clio. May artistikong dating. Siguro me pagka-senti lang ako,pero ramdam ko ‘yun mensahe.

Basta umiinom na sila ng kape syempre me tingin ako na mula sa multinasyunal na kumpanya ang patalastas. Hindi naman ako masasabing tagapagtaguyod nu’n nakakalungkot nga na napatay na ang dating iniinom naming kapeng barako.

Balikan ang nakaraan. Pwedeng sa pamamagitan ng pagsasaliksik, mula sa mga lumang litrato, libro ng kasaysayan, pelikula…alalahanin.

Balikan ang pinanggalingan…pagbabalik sa iyong pinag-ugatan. Hindi ka raw magiging kumpleto bilang isang ganap ang iyong pagkatao kundi mo babalikan ang pinagmulan o pinanggalingan mo. May kongkreto o materyal na dating.

Kaya nga ‘yun iba na pinaganak sa ibang bansa ay dinadalaw ang Pinas para malaman nila ang kanilang pinag-ugatan. Umuuwi ng probinsya para makita at makilala ang kanilang mga kaanak. Naging takbo ng buhay.

c4996ad21bd15388Ngayon ika-111 taon ng “Araw ng Kalayaan” maaring hindi lang kinakailangan balikan ang nakaraan. Kailangan din balikan natin ang ating pinanggalingan, mas kongkreto nating makikita ang nakaraan.

Gaya ko. Maraming bagay pa pala kong dapat matuklasan,malaman sa kasaysayan, masasabing kong hindi pa rin ganap ang pagka-Pilipino ko. Sa isang tabi lang pala nandoon ang naghuhumiyaw na mga tala ng kasaysayan. Nakararamdam ako ng hiya…

May nagtatanong nga sa akin kung bakit tipong limitado lang ang pag-post ko ngayon sa aking blog, may nagtatanong din na bitin daw yun post sa kwentong-byahe,mas gusto n’ya ‘yun mga kwento sa ibat-ibang lugar.

Ipagpasensya na’t may mga sinasaliksik lang akong sulatin o isang proyekto.Sana ay maging bahagi kayo ng “positive energy” para magtagumpay ang inaasikaso kong proyekto.

Siguro ang ika-111 taon ng “ARAW NG KALAYAAN” ay isang yugto o bagay lamang ng pagpapa-alaala sa atin kung bakit nasa yugto tayo ng pagkalito,kawalang direksyon at kawalang pag-asa.

Gaya ng isang banyagang sayaw na CHA-CHA pilit nating sinasayaw ito kahit na nga ang nakararaming mga Pilipino ay hindi alam ang step nito.

25207b163ead3538

“Madalas din ba kayong pumunta sa mga peryaan o karnabal? Siguro hindi kayo takot sa mga payaso…”

Kalimitan na sa mga educational o field trip sa mga bata ang pumunta sa Star City kabilang na ang aking mga anak.

Mga sampung taon pa lang ako ng maka-experience masakay sa tsubibo, sa amin kalimitan; pag sinabing tsubibo e mga sasakyan sa perya na umiikot na pwede kang mahilo pangunahin ‘yun octopus, ‘yun ferris wheel, tawag namin ay ruweda.

Malulain o madali akong mauyot, yun bang pag nasa ituktok ka’t tumingin ka sa ibaba eh para kang mahuhulog agad, pwede kang mahilo.

Kaya kahit pwede kong i-promote ng isang kapitan na mabait sa akin e tumanggi ako sa kanyang alok. Hindi ako sanay mamintura sa mga gilid o matataas na lugar sa barko.Kaya nagkasya na lang ako sa trabahong pang kusina. Pero sa alon malakas naman ako.siguro dahil kalakasan ko nun uminom kaya hindi ako natatalo ng hilo ‘wag lang patutulayin ako sa mataas at titingin sa ibaba na laluna’t walang hahawakan.

Habang pinagmamasdan ko ‘yun mga piktyur ng mga anak ko sa Star City kasabay naman ang nagsusulputang balita.andyan na ang kaso sa Legacy, pwera pa ang dating isyu sa CAP at iba pang pre-need o insurance company, bangko na nagsara o nabangkrap. Sabi nga ng pinsan kong nasa U.S eh wala naman napaparusahan o nabibilanggo. Sa kaso nga ng AIG , mother company ng Phil-Am Life eh sya pang tinulungan ng gobyerno. Masakit pa nito sa mamamayan kinukuha ang pagsasalba sa mga malalaking negosyante. Nakaka dismaya pa eh nagpasarap pang mga taga-AIG. Ganito rin ang kaso sa pinas nagmamakaawa ang mga magulang sa mga nang walanghiya sa kanila. Napakalambot ng pagtrato ng SEC, pahabol pa niya.

Sa kaso ng iskandalong kinapalooban ni Katrina Halili at Hayden Kho, bago pa man ‘yan, maraming ng kumakalat na sex scandal sa celfon at You Tube, di ba’t meron pa ngang na Imbestigador. Ngayon pumutok ito ay “in aid of legislation” ang mga magagaling na mambabatas at politiko. Parang piyesta sa Senado habang ginigisa ang dalawang nasasangkot. Kabi-kabila ang pag reyd sa mga nagbebenta ng DVD. Kapapalabas lang sa Case Unclosed- paksang pidopilya hanggang ngayon ay wala pa palang naipapasang batas kundi man ay ma-amyendahan, para maparusahan ang mga gumagawa ng pang aabuso sa mga batang wala pa sa hustong edad.

May lumubog na naman ferry boat at marami ang namatay. Nag imbestiga na naman ang MARINA, pinakilos ang Coast Guard, ipinatawag ang may ari ng Ilagan Shipping Co Gumana na naman ang Board of Marine Inquiry.

Dumaing ang mga teacher na kulang ang kanilang mga classroom sa darating na pasukan. Pati ang pinagdadausan ng flag ceremony ay kinombert para pag-klasihan.Tumulo ang patak ng ulan sa kisame. Hindi tinanggap ng titser sa utos ng kanyang prinsipal ang isang batang babae sa grade one dahil hindi sanay bumasa.

Nag-gigirian ang mga mambabatas sa cha-cha, imbestigasyon sa senado sa pagitan ng pangkat ni Lacson laban kay Villar sa isyu ng kurakutan.

Nangisi lang si Jun Lozada at pa-joke lang si Jocjoc Bolante presto-abswelto! Inalalayan ng mga madre ang bagong whistleblower na si Lt.Nancy Gadian.

Nag-merge na ang Lakas-Kampi-CMD para sa 2010. Nakita na sa news ang mga mukha ng posibleng kandidato.

Hindi naman daw ganun kapanganib ang H1N1 Virus kumpara sa mga naunang kumalat na sakit sabi sa balita.

Patapos na ang balita, minasdan ko uling mabuti ang litrato ng dalawa kong tsikiting. Siyang- siya sila na piniktyuran sa isang ride.

0e4c18fe615f7946Tanong ko lang. Kayo? Madalas din ba kayong pumunta sa mga peryaan o karnabal? Siguro hindi kayo takot sa mga payaso. Hindi rin siguro kayo takot sumakay sa mga tsubibo. Ako ba kamo? habang sinusulat ko kasi ang draft nito eh kung bakit naisipan kong umakyat sa isang mataas na lugar, heto’t medyo nahihilo, heto’t sumusuka na ko.

37f39794133092a2

“Mahalagang mai-transporma n’ya ang mga disiplina at katangian ng isang tunay na boksingerong magiting at dalubhasang mandirigma patungo sa larangan ng politika.”

Sa mga katandaan,pag sinabing wala kang kabusugan bata ka, eh tumupi-tupi ka na’t wala ka na sa ayos.Kumbaga hindi maganda ang dating at kung maririnig ‘yun ng nanay mo,alin na lang eh malusaw siya sa kinatatayuan.Katakot-takot na sermon,ang iyong aabutin-“para kang patay-gutom,timawa at hindi pinalalamon.Inilalagay mo kami sa kahihiyan bata ka!”

Ganitong bansag ke Manny Pacquiao na PACMAN ay angkop na angkop sa kanyang katatayuan. Sa positibong pagsilip eh wala siyang kabusugan sa paghahangad ng tagumpay, walang kabusugan sa paghahangad na maitaas ang imahe nating mga Pilipino sa mata ng mundo.

Sa hanay namin mga seaman,isa s’yang gamot sa pangungulila at hirap na inaabot sa isip at pisikal na dinaranas sa gitna ng laot. Dangal laban sa mga dayuhan opisyal na lumalait sa ating pagkikilanlan.

Iyon nga lang, sa konstruktibong pagpuna, marami din ang nag re-ak sa anunsyong siya ay muling sasabak sa pulitika. Mga komentong gaya ng “okey na s’ya sa larangan ng boksing, isa na ‘yang icon, sapat-sapat na ang tinatamasa n’yang tagumpay.”

Sabi nga,’wag mo raw equate ang iyong katanyagan sa larangan ng boksing sa pulitika. Sumagi sa aking alaala ang namayapang Bert “Tawa” Marcelo sa kabila ng kanyang katanyagan bilang sikat na artista ay natalo siya sa laban pagka-gobernador ng Bulakan.

May mga bagay na dapat pakasuriin kung bakit hindi s’ya nagtagumpay sa nakaraan n’yang laban. Argumento n’ya ay kakulangan sa preparasyon kung bakit s’ya natalo. Parang lumalabas na hindi n’ya naiitransporma ang katangian n’ya bilang isang mahusay na mandirigma. Lumalaro s’ya sa tsansya o pagbabakasakaling manalo dahil sa kanyang tinatamasang kasikatan. Isina-isang tabi n’yang persepsyon ng masa na pasapat ka na sa iyong kinalalagyan ngayon at sabi nga ng mga matatanda, magkaroon ka naman ng kabusugan amang.

Isa pa sa malaking nasisilip kong factor kung bakit hindi pa s’ya dapat lumahok sa larangan ng politika sa ngayon ay ang kawalan n’ya ng isang pirmis na desisyon, maihahalimbawa ko na ang naging isyu kung saan ipapalabas na istasyon ang kanyang laban kay Hatton, kung sa Kapuso GMA o ABS-CBN, sa huli ay humingi s’ya ng dispensa sa daplis na disposisyon.

Mahalagang mai-transporma n’ya ang mga disiplina at katangian ng isang tunay na boksingerong magiting at dalubhasang mandirigma patungo sa larangan ng politika. Habang di pa niya ito napapanday, ang paglahok n’ya dito’y pag-aanak lang ng isang lider na mabuway ang disposisyon at makakabilang lang s’ya sa mga laksa-laksang trapo, gahaman at lider na naturingan, pero walang silbi sa bayan!

Sana hindi maging padalos-dalos ang bawat unday n’ya sa muling pagpasok sa politika.

MABUHAY KA PAMBANSANG KAMAO!

Naunang PahinaBagong Pahina »